Mura Padua, dinagsa ng kanyang mga fans sa kanilang bahay
- Matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube videos, unti-unti na ring dumarami ang mgga tagasuporta ni Mura Padua
- Kahit baguhan pa lamang siya sa vlogging, malapit nang umabot sa 200,000 ang bilang ng kanyang subscribers
- Sa katunayan, sa isa sa pinakabago niyang video ay pinakita niya ang pagdagsa ng mga fans sa bahay nila
- Lahat ay nais siyang makita at makapagpa-picture kasama si Mura
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bilang isang kilalang personalidad, hindi naging mahirap kay Mura na makakuha ng mga subscribers sa kanyang pagpasok sa mundo ng paggawa ng content sa YouTube. Matapos nga niyang pumunta sa ika-40 araw ng pagpanaw ni Mahal, naumpisahan niya na rin ang kanyang sariling channel.
Nabanggit niya sa isang vlog na balak na din niyang mag-ipon na lamang muna ng mga video kapag nasa bahay niya siya at antaying makapunta siya sa bayan kung saan maganda ang signal ng internet para makapag upload siya.
Sa katunayan, sa isa sa pinakabago niyang video ay pinakita niya ang pagdagsa ng mga fans sa bahay nila. Lahat ay nais siyang makita at makapagpa-picture kasama si Mura.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa tulong na rin ng mga vloggers na supporters ni Mahal, mayroon na siyang sarili niyang YouTube channel. Umabot na sa mahigit 100,000 ang kanyang subscribers matapos lamang ang ilang araw mula nang umpisahan niya ito. Sa kasalukuya ay malapit na itong umabot sa 200,000 ang kanyang subscribers.
Si Mura o Allan Padua sa tunay na buhay ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang sumikat nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero.
Nang dumating sa punto na humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko na isang lalaki si Mura. Naging bahagi siya kinalaunan ng ilang Kapuso shows kagaya ng Majika, Captain Barbell, Super Twins, at Magic Kamison.
Matatandaang matapos sumikat ang video ng vlogger na si Virgelyncares, marami ang nakapansin at nais tumulong kay Mura. Kabilang nga sa pumunta sa kanya ay ang dating ka-tandem nito na si Mahal Tesorero.
Naging masaya ang kanilang muling pagkikita. Gayunpaman, napalitan ang kasiyahang iyon ng kalungkutan matapos lumabas ang balitang pumanaw na si Mahal.
Source: KAMI.com.gh