Bernadette Sembrano, ipinakita ang updates ng house construction niya

Bernadette Sembrano, ipinakita ang updates ng house construction niya

- Nagbahagi si Bernadette Sembrano ng mga larawan sa Instagram ng update sa pagtatayo ng kanyang bahay

- Itinigil muna nila ang konstruksyon upang maging mas makatutok sa kanilang plano

- Pinagpasyahan nilang magtayo sa isang farm matapos ang ilang taon ng paghahanap ng lote

- Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sustainability para sa proteksyon ng kanilang pamilya at kalikasan kung dumaan ang mga sakuna at bagyo

Ang television personality na si Bernadette Sembrano ay nagbahagi ng mga larawan sa Instagram ng mga update sa pagtatayo ng kanyang bahay.

Bernadette
Bernadette Sembrano, ipinakita ang updates ng house construction niya @iambernadettesembrano
Source: Instagram

Bukod dito, ipinahayag niya ang kanyang mga saloobin tungkol sa proseso ng pagpapagawa ng kanilang bagong tahanan. Sinabi niya na napagpasyahan nilang itigil pansamantala ang konstruksyon para maging mas tumutok sa kanilang plano.

Binanggit din niya ang kanilang mga pagsubok sa unang pagtatangka nilang magtayo ng bahay at ang kanilang pagpili sa isang lote sa isang farm matapos ang ilang taon.

Read also

Boy Tapang, nag-sorry sa BSP matapos gumawa ng saranggola gamit ang pera

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sustainability sa gitna ng mga sakuna at bagyong napagdaanan at ang pangangailangan na magkaroon ng mas matatag at maayos na disenyo para sa proteksyon ng kanilang pamilya at para sa kalikasan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I paused ( VERY short pause and reflection ) in the construction of our house because I needed to be more intentional about the process. I love how @gas.arch.studio executed the layout That we wanted!
"Our first attempt to build a house was after Ondoy, Pablo, and other major typhoons. Naturally, I wanted something sturdy and elevated (for baha!!!!). We wanted a container home on stilts so we could easily pack and go once we evacuate on a family property in Cavite. Ang mahal pala ng container house and aborted our plan!

Read also

Alex Gonzaga, nagbahagi ng update sa kanilang pinapagawang bahay

"Fast forward to decade after, we were blessed to find a lot in a FARM! A dream come true. But now that we are in the finishing stages, LITONG LITO NA AKO. Should it be a farmhouse? Kahoy ba? Concrete? I had to revisit who I am and my ideals. And yes, even my traumas.
"Reflecting on my ideals and past traumas, especially witnessing the devastation of Filipinos during calamities, SUSTAINABILITY became more than just a trend—it’s a necessity. We’ve seen many homes, even sturdy ones, fall during disasters due to poor construction or location. I’ve been to places na walang Supply tubig ! GINTO .
"We manage because of our resiliency and abilidad!
"VERY Good na tayo sa resiliency but we must also move forward with BETTER design. To protect our families, to foster community, and really take care for the environment as if our life depended on it.

Read also

Pagprito ng mga pagkain ng isang vlogger gamit ang init ng araw, viral

"(Research mode in building and how blessed to learn from sustainability architects, @jpalbuensalido@ninaquintos)
"Much to learn and share"

Si Bernadette Lorraine Sembrano-Aguinaldo ay kilalang tagapagbalita at television host. Hunyo taong 2008 nang ikasal siya kay Emilio "Orange" Aguinaldo IV na nagmula sa angkan ng unang Pangulo ng Pilipinas, si Emilio Aguinaldo.

Ibinahagi ni Bernadette ang isa sa mga ginagawa ng kanyang mister, ang pangangalakal. Mayroon umano silang junk shop sa Cavite at masasabi niyang mahusay na mag-segregate ang mister. Maliban sa kinikita sa pangangalakal, isang rason nila kung bakit ginagawa ito ay para makatulong sa kalikasan. Minsan pa umanong napagkamalang janitor ang kanyang asawa dahil sa gawaing ito.

Suportado niya ang gawaing ito ng mister na aniya'y dahilan ng pagiging humble nilang mag-asawa. Isa rin kasi umanong paraan para makatulong sa kalikasan kaya naman maging siya ay ginagawa na rin ito. Aniya, gusto naman niya ang kanyang ginagawa lalo na at ipinauunawa ng kanyang mister kung bakit nila ito ginagawa sa kabila ng ilang mga panghuhusgang natatanggap nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta