Alex Gonzaga, nagbahagi ng update sa kanilang pinapagawang bahay

Alex Gonzaga, nagbahagi ng update sa kanilang pinapagawang bahay

- Sa kanyang pinakabagong YouTube vlog, ibinahagi ni Alex Gonzaga ang isang update sa pag-unlad ng kanilang bahay

- Binahagi niya kung bakit tumagal ang pagrenovate nila sa bahay na pinapagawa nila

- 2021 daw nila sinimulang ipagawa ang bahay na ibinigay sa kanila ng kanyang in-laws

- Pinasilip niya ang iba't-ibang bahagi ng kanilang bahay na unti-unti nang nabubuo

Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang isang update sa kanilang bahay na pinapagawa. Ang proseso ng pagpapagawa ay naging mas mahaba kaysa inaasahan, at ibinahagi niya ang ilang mga dahilan kung bakit.

Alex Gonzaga, nagbahagi ng update sa kanilang pinapagawang bahay
Alex Gonzaga, nagbahagi ng update sa kanilang pinapagawang bahay
Source: Youtube

Ayon kay Aelx, sinimulan nila ang proyekto noong 2021 at simula noon, unti-unti nang nabubuo ang iba't-ibang bahagi ng kanilang tahanan. Pinasilip din niya ang mga napinturahan nang bahagi ng bahay.

Gayunpaman, binanggit ni Gonzaga na may ilang mga hindi inaasahang hadlang na nagresulta sa pagtagal ng renovation. Kabilang dito ay ang hirap nila dahil na rin sa pandemya.

Read also

Cianne Dominguez, nagbahagi ng bagong post matapos ang pinagdaanan

Bagaman ang proseso ay tumagal nang mas matagal kaysa sa inaasahan, ipinahayag ni Gonzaga ang kanyang pasasalamat sa mga manggagawa at contractors na patuloy na nagtatrabaho upang makumpleto ang kanilang bahay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Bea-Dom fans, kinilig sa post ni Dominic na ayon sa fans ay aso ni Bea na si Walter

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel