Darryl Yap sa 'Kakampink' actress niya sa Len-Len series: "Wala pong #SwitchToLeni"
- Nagbigay ng pahayag ang direktor na si Darryl Yap kaugnay sa mga larawan ng gumanap na 'Mosang' sa Len-len series na isa pala umanong Kakampink
- Ito ay matapos na maging usap-usapan online ang pagdalo ng aktres ng Len-Len series sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem
- Ayon kay Yap, alam niya umano na 'Kakampink' si Rowena Quejada bago pa ipalabas ang serye
- Kaya naman wala raw umanong 'Switch to Leni' na naganap tulad ng inaakala ng marami
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapos na maging usap-usapan online ang mga larawan ni Rowena Quejada na isa pala umanong 'Kakampink', naglabas ng pahayag ang kanyang direktor na si Darryl Yap.
Nalaman ng KAMI na si Rowena ang gumanap na 'Mosang' sa 'Len-Len series' na pinagbibidahan din ni Senator Imee Marcos.
At si Yap bilang kanyang direktor na siyang kumuha mismo sa kanya, ay alam umano noon pa man na isang Robredo supporter si Quejada.
"Mommy? Ok lang ba? Kunin kita sa Lenlen? Kasi kailangan ang Role, may alam kay Lenlen,gawin ka sana source si Mosang; eh di ba? MakaLeni ka? Baka pwede ka? Kaya mo ba?" tanong umano ni Yap kay Quejada na napapayag naman niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"VinCentiments’ MOSANG, Our Mommy Rowena Wengkie Quejada has always been a KAKAMPINK. Wala pong #SwitchToLeni, kasi Leni po talaga siya noon pa man at hindi lang po siya sa grupo ang hindi #BBM,may mangilan-ngilan pong gusto rin sa talo. (charot!)," ang bahagi ng post ni Yap.
"Hindi po totoong nagbago ng isip ang Mommy Weng namin; Talagang pong simula’t sapul siya ay makaLENI. Gayunpaman, walang lamat o bitak sa aming samahan; at siya mismo, naranasan nya nang personal ang kabaitan ni Senator Imee R. Marcos," dagdag pa ng direktor.
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Si Darryl Yap ay isa sa mga kilalang bagong direktor sa Pilipinas. Naging kontrobersyal siya dahil sa kanyang VinCentiments series at short films na may kakaibang atake sa pagtalakay sa iba't ibang isyu sa ating bansa.
Isa na rito ang 'Len-Len series' na pinagbidahan ni Senator Imee Marcos at ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia.
Source: KAMI.com.gh