Community pantry sa Maginhawa, nagkaroon ng "domino effect" sa iba pang lugar

Community pantry sa Maginhawa, nagkaroon ng "domino effect" sa iba pang lugar

- Matapos na mag-viral ang 'community pantry' na ibinahagi ng Maginhawa street sa Quezon City, may ilang lugar na rin ang tumulad

- Ibinahagi ng isang netizen ang ilan sa mga lugar na nagtayo na rin ng pantry para sa mga kababayang nagugutom at walang makain

- Nakataas pa rin ang MECQ sa Metro Manila kaya naman hindi pa lahat ay nakabalik sa trabaho

- Malaking bagay umano ang pagkakaroon ng community pantry na nakatutulong sa mga kababayang kapos na sa pangaraw-araw na gastusin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng netizen Jeffrey Nuñez Hosmillo ang umano'y naging "domino effect" ng ginawang community pantry ng Maginahawa st. sa Quezon City.

Matatandaang nito lamang Abril 14, nag-viral ang post kung saan makikita ang mga pagkaing nasa community pantry ng Maginhawa na mula rin sa kanilang mga residente.

Nalaman ng KAMI na marami ang na-inspire sa konsepto na ito ng Maginhawa lalo na at marami sa ating mga kababayan ngayon ang dumaranas ng gutom.

Read also

Viral na community pantry, dinagsa ng tulong; mga magsasaka, nagbigay din

Community pantry sa Maginahawa, nagkaroon ng "domino effect" sa iba pang lugar
Photo: Community pantry sa Kalayaan Ave. (Jeffrey Nuñez Hosmillo)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ilan sa mga larawang ibinahagi ni Jeffrey ay kuha sa Matiyaga, P. Noval, Matimyas, Paltao, Omega Ave., Morning Breeze sa Caloocan, Sta. Catalina, Kalayaan Ave., Gun-ob, Brgy. San Agustin, Lipa, Taytay, Dolores, Malate, Bayombong, Riverside Poblacion at marami pang iba.

Sa kani-kanilang mga karatula, makikita ang "inspired by Maginhawa community pantry" na talagang nagbigay ng magandang impluwensiya ng pagtutulungan sa ating mga kababayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Hanggang Abril 30, nakataas pa rin ang modified enhanced community quarantine sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

Dahil dito marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa muli nakababalik sa kani-kanilang mga hanapbuhay.

Read also

Ka Tunying, nag-TY sa baong bigay ng nakasabay sa pagpapaturok ng COVID vaccine

Kaya naman malaking bagay ang pagkakaroon ng mga community pantry sa iba't ibang lugar na makatutulong sa mga pamilyang lalong naghihikahos sa panahon ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica