PBA player Jio Jalalon, tuluyan nang ipina-Tulfo ng kanyang misis dahil sa umano'y panloloko

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo si Kristina Jalalon, ang misis ng PBA player na si Jio Jalalon

- Ito ay matapos na ibunyag ni Kristina ang umano'y panloloko at pananakit sa kanya ng mister

- Kwento pa ng misis, mismong ang ibang babae ni Jio ang nakausap niya at umamin ito sa minsang nagawa nila ng PBA player

- Pilit na itinatanggi ng basketball player ang mga akusasyon ng misis kahit na may mga ebidensya na ito mula sa nagpakilalang ibang babae nito

- Sinusubukan ng programa ni Tulfo na kapanayamin si Jio ngunit hindi nito sinasagot ang kanilang tawag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuluyan na ngang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo si Kristina Jalalon, ang misis ng PBA Player na si Jio Jalalon kaugnay sa umano'y panloloko at panankit nito sa kanya.

Rica Peralejo, binahagi kung paano pinaalala sa kanya ang tinalikurang nakaraan

Nalaman ng KAMI na kamakailan lang ay gumawa ng ingay sa social media ang mga pasabog ni Kristina tungkol sa pambababae umano ng kanyang mister.

Sa panayam ni Tulfo kay Kristina, naikwento nitong mismong ang ibang babae ng kanyang mister ang kanyang naka-chat na naipakita rin niya sa ilan niyang Instagram post.

Ngunit kahit na umamin ang babae sa umano'y naging ugnayan nila ng baskebolista, todo tanggi naman daw si Jio.

'Di po siya umamin, nagalit po siya, medyo nananakit kasi ayaw niya po ng pinagbubungangaan"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sinusubukan ng programa ni Tulfo na makapanayam si Jio upang marinig nila ang panig nito ngunit hindi nito sinasagot ang kanilang tawag.

Gayunpaman, sinigurado naman ni Tulfo na handang tumulong ang kanilang programa sakaling mapagdesisyunan na ni Kristina kung kakasuhan nga ba niya ang kanyang mister.

PNP, iimbestigahan na ang viral videos ng umano'y kulto sa Misamis Occidental

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang, natulungan din ni Raffy Tulfo ang ang PBA player na si Rey Nambatac at girlfriend nitong si Keisha Ancheta na noo'y nakakatanggap ng mga pagbabanta mula sa nagpakilalang fan.

Nangangahulugan lamang na walang pinipili si Tulfo pagdating sa pagbibigay serbisyo, mapa-kilalang personalidad man o mga ordinaryong tao na naapi o nangangailangan ng kanyang tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news