PNP, iimbestigahan na ang viral videos ng umano'y kulto sa Misamis Occidental

PNP, iimbestigahan na ang viral videos ng umano'y kulto sa Misamis Occidental

- Dahil sa ilang araw nang patuloy na nagbabahagi ng video ang mga residente ng Ozamiz City sa Misamis Occidental, iimbestigahan na ito ng pulisya

- Ito ay kaugnay sa umano'y nanggugulo sa kanila tuwing gabi na hinihinala nilang miyembro ng mga kulto

- Maraming video na ang lumalabas sa iba't ibang social media platforms na nagdudulot ng pangamba lalo na sa mga taga Misamis Occidental

- Isang TikTok user din ang nagpahayag sa wikang Tagalog ng nagaganap sa mga kumakalat na video at humihingi sila ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakatutok na ngayon ang Philippine National Police kaugnay sa mga viral videos ngayong sa social media patungkol sa mga kaganapan sa Ozamiz City sa Misamis Occidental.

Nalaman ng KAMI na ilang mga residente na ang naglalabas ng video ng umano'y gumagambala sa kanila gabi-gabi na hinihinala nilang miyembro ng kulto.

Read also

Video ng umano'y kababalaghang nangyari sa isang bahay, viral na

Sa TikTok video ni @thepaulmarc.canon ipinaliwanag ang umano'y nagaganap sa lugar matapos na mangatok ang mga nanggagambala.

PNP, iimbestigahan na ang viral videos ng umano'y kulto sa Misamis Occidental
Mga nakuhang gamit sa umano'y nahuling armadong lalaki na nangangatok sa Misamis Occidental. Photo from Metro Headlines
Source: Facebook

Ayon kay Paul Marc, nahuli na ang ilan sa sinasabing miyembro ng kulto. Bukod sa armado ang mga ito, nakita rin sa kanila ang animo'y panyo na may mga kakaibang karakter na nakasulat o nakaguhit.

Mas lalong nagbigay ito ng pangamba sa marami dahil sa hindi maintindihan ang mga nakasulat dito na sinasabing isang orasyon.

"This is very unusual, sobrang peaceful po ng aming probinsya kaya hindi po namin maintindihan kung bakit nangyayari ito."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa ulat ng GMA News, maging sa Twitter ay nag-trending na rin ang mga nanggagambala na ito sa Misamis Occidental.

Kaya naman nangangalap na ng impormasyon ang pulisya sa gawain ng mga nanggugulo na ito lalo na at maraming video na ang nagpapakita ng halos gabi-gabing pag-atake ng sinasabing mga kulto.

Read also

OFW sa Dubai, napiling mabigyan ng brand-new car mula kay Supercar Blondie

Sa pahayag ni PNP spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana sa Laging Handa briefing ng PTV nitong Sabado, nakikipag-ugnayan na rin sila sa Regional office ng naturang lugar.

“We’ll have to secure, perhaps, initial information from the regional director of Police Regional Office10. Rest assured such information will be communicated specifically to concerned individuals affected.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kabila ng pandemya, dumadagdag pa rito ang pangamba ng marami sa mga umano'y hindi nila maipaliwanag na karanasan sa kanila mismong tahanan.

Kagaya na lamang nang nag-viral na TikTok video ng mga aninong dumaraan sa bintana na minsan na ring napanood at naitanghal sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kamakailan, nag-viral din ang video ng pamilyang ginagambala ng hindi nila maipaliwanag sa kanilang palikuran na kusang nagbubukas-sara ang pintuan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica