Video ng umano'y kababalaghang nangyari sa isang bahay, viral na

Video ng umano'y kababalaghang nangyari sa isang bahay, viral na

- Isang Facebook post tungkol sa umano'y kababalaghang naganap sa isang bahay ang viral ngayon sa social media

- Makikita sa nasabing post ang dalawang video kung saan makikitang kusang gumagalaw ang pintuan ng CR

- Ayon sa netizen na nagbahagi ng nasabing video, maging sila ay naguluhan at kinilabutan sa mga pangyayari

- Pinakita din niya ang kabuuang bahagi ng pintuan at maging ang nasa loob ng CR para mapatunayang walang tali o tao na nagpapagalaw ng pinto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng maraming reaksiyon mula sa mga netizens ang video na ibinahagi sa Facebook ng isang netizen kung saan ipinakita niya ang umano'y di nila maipaliwanag na pangyayari sa kanilang bahay.

Video ng umano'y kababalaghang nangyari sa isang bahay, viral na
Screenshot from Agon Otniscal
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Misis ng sundalo, patay matapos gilitan sa leeg at hinihinalang ginahasa pa

Sa kanyang ibinahaging video, makikita na ang kanilang pintuan sa kanilang CR ay kusang gumagalaw. Kahit nilapitan nila ito, patuloy ito sa pagsara at pagbukas.

Kaya naman marami ang kinilabutan dahil dito. Pinakita din ni Agon Otniscal sa nasabing video ang likurang bahagi ng pinto para sa mga nagdududang may tao sa likod niyon para pagalawin ang pinto.

Sa isa pang video ay makikita ang kabuuan ng pinto at taliwas sa mga akusasyon ng ibang netizen na may tali sa taas, walang nakitang taling nakakabit habang tuloy-tuloy pa rin ang pagbukas at pagsara nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Read also

Dr. Adam Smith, hinimay ang mga pahayag ni Raffy Tulfo tungkol sa Ivermectin

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel