Babaeng sangkot sa viral na insidente sa 1 modern jeep, nagsalita na

Babaeng sangkot sa viral na insidente sa 1 modern jeep, nagsalita na

- Nagsalita na ang babaeng sangkot sa viral na insidente sa isang modern jeep

- Ayon sa babae, hindi na raw siya nakakakain ng maayos matapos magpost ng anak ng nakaalitang matandang lalaki sa social media

- Samantalang ang matandang lalaki naman desididong panagutin ang lahat ng sangkot sa pananakit sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na ang babaeng sangkot sa viral na insidente sa bus, na una nang naiulat ng KAMI, sa isang panayam dito ng GMA News.

Ayon sa babae, hindi na raw siya nakakakain ng maayos matapos ma-bash online nang mag-post ang anak ng matandang lalaki sa social media dahil sa insidente.

Ganunpaman, iginiit nito na "hinawakan" siya ng matandang lalaki sa tagiliran na hindi naman daw nakuhanan ng CCTV.

Sinabi rin nito na nagkaaregluhan na sila sa barangay pa lang.

Plano rin nitong magsampa ng kaso laban sa mga taong nagbabanta sa kanya at sa kanilang pamilya.

Samantala, sa isa ring panayam ng GMA News, sinabi ng matandang lalaki na inakusahan lamang siya.

Hirap na rin daw kasi siyang gumalaw at mahina na ang katawan.

Sabi pa nito, binugbog din siya ng ama ng babae sa barangay matapos saktan ng babae at ng ilang kalalakihan sa loob ng jeep na nakita sa CCTV.

Makikita pa na namamaga pa ang kaliwang mata at labi nito.

Desidido rin sila na sampahan ng kaso ang mga nanakit sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either! -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel