Viral "tagapagligtas ng Pinas", pumunta kay idol Raffy para magpaliwanag
- Matapos mag-viral sa social media ang gulong kinasangkutan, mabilis na nagpaliwanag ang lalaking nagpakilalang sundalo at "tagapagligtas ng Pilipinas"
- Ayon sa lalaki, hindi kumpleto ang video na in-upload ng sekyu na siya kumuha ng video
- Humingi naman ito ng sorry dahil sa pagpapakilala nito bilang isang sundalo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Umabot sa milyon-milyon ang views sa social media ng viral video kung saan isang lalaki ang hinaharangan ang isang taxi habang tila galit na galit.
Nagpakilala pa itong sundalo at siya raw ay "tagapagligtas ng Pilipinas", na una nang naibalita ng
Maraming netizens ang na-beastmode sa lalaking ito at walang humpay na pangba-bash ang inabot nito.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Dahil dito, lumapit ang lalaki sa programa ni Raffy Tulfo para ipaliwanag ang kanyang panig at para na rin humingi ng tawad sa kanyang mga naging pahayag.
Paliwanag ng lalaki na nagpakilalang si Karl Kaw, hindi kumpleto ang kuha ng video sa pangyayari.
Anito, nagalit lamang siya nang muntik nang may masagasaang batang namamalimos sa lugar ng insidente.
Sabi ni Kaw, ginigitgit umano ng taxi driver na siyang nakaalitan nito sa video ang isa pang sasakyan kung kaya naman 'di na napansin ng driver ang bata.
Ito umano ang naging ugat ng kanyang "pagwawala" at galit sa taxi driver. Kaya umano niya ito hinaharangan ay para raw hindi makatakas.
Ngunit sabi ni Kaw, nagkaayos na rin naman sila ng taxi driver noong araw na iyon matapos may rumespondeng mga pulis sa insidente.
Maging ang security guard na siyang nag-upload ng viral video ay humingi na rin ng tawad dahil sa pag-a-upload ng hindi kumpletong video.
Humingi rin ng tawad si Kaw dahil sa pagpapakilala bilang sundalo. Paglilinaw niya, hindi siya miyembro ng Armed Forces of the Philippines.
Sabi pa ni Kaw, na nagpakilalang isang chef, malapit lamang ang kanyang puso sa mga bata ngunit alam naman nito na mali ang kanyang naging reaksyon sa nangyari.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Showbiz Kami: Robin Padilla Defends Mariel Rodriguez Having Baby In The US
This issue has caused a lot of controversy on social media. And this is what Robin Padilla has to say to critics. -on KAMI
Source: KAMI.com.gh