Malaysian, buking ang ex na Pinay sa panloloko! Pinay, gumanti ng pasabog

Malaysian, buking ang ex na Pinay sa panloloko! Pinay, gumanti ng pasabog

-Dumulog ang isang Malaysian-Chinese national sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang Pinay na ex-GF

-Sa kalagitnaan palang nang kanilang pagtatalo, nabuking na agad ang Pinay sa panloloko nito

-Pero hindi naman nagpatalo ang babae at may malaking pasabog din laban dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Idinulog ng Malaysian-Chinese national na si Francis Lau ang kanyang reklamo laban sa dating nobya na isang Pinay.

Ayon kay Lau, niloko siya ng ex-girlfriend na si Arlene De Silva para makahingi ng pera sa kanya na umabot umano sa P1 million!

Pero itinanggi ni De Silva na umabot sa ganoon kalaki ang halagang naibigay nito sa kanya.

Isiniwalat rin ng single mom na pumayag ang foreigner na magkaroon sila ng ugnayan ngunit walang relasyon at kapalit ito ng pagsuporta ni Lau sa kanyang pangangailangan.

Ayon pa sa isang conversation na ipinakita ni De Silva, si Lau ang mismong nag-alok ng tulong sa kanya.

Pero sa kalagitnaan nang kanilang pagtatalo, nabuking na rin si De Silva na nagpanggap na nag-aaral sa isang eskwelahan para makahingi ng pambayad sa kanyang tuition fee.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Inamin na rin ito ni De Silva at dahil dito, napangaralan na ito ni Raffy Tulfo dahil sa malinaw na pangloloko.

Ngunit ang mas ikinagagalit ni Lau ay ang pagkakaroon umano ni De Silva ng ibang lalaki na isang Hapon.

Bagamat inamin ni De Silva na nagkaroon siya ng karelasyon na Hapon, sinabi nitong matagal na ito at alam din daw ito ni Lau. Itinanggi ni Lau na alam niya ito.

Kaya naman nais na lang daw ni Lau na mabawi ang lahat ng kanyang naibigay na pera sa Pinay.

Pero hindi rin nagpatalo si De Silva, anito, maraming beses din naman daw siya nitong ginamit.

May mga pagkakataon pa umano na nasasaktan na siya nito at pinipilit na sumama sa hotel.

Mariin naman itong itinanggi ng dayuhan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Add Me On Facebook - Kris Aquino To Single Men

Kris Aquino encouraged single men to add her on Facebook and this caused a lot of noise on social media. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel