Doktor na pinakulong ni mayor, malaki pala ang ambag sa bayan at laging may libreng serbisyo

Doktor na pinakulong ni mayor, malaki pala ang ambag sa bayan at laging may libreng serbisyo

- Sumuko sa pulisya ang isang doktor na sinampahan ng cybercrime ni mayor

- Inakusahan kasi ni dok na sangkot umano sa ilegal na droga ang mayor ng Lamitan City at asawa nito

- Subalit, naging viral naman online ang tungkol sa kabaitan umani ni Dr. Chao-Tiao Yumol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang doktor ang sumuko sa pulisya matapos sampahan ng cybercrime ni mayor.

Nalaman ng KAMI na nakilala si Dr. Chao-Tiao Yumol sa Lamitan City, Basilan, dahil sa kanyang umanong libreng serbisyo sa mga taong nangangailangan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News (author Arianne Apatan), inilantad ni Yumol na sangkot umano sa ilegal na droga at korupsiyon ang mag-asawang sina Lamitan mayor Rose Furigay at vice mayor Roderick Furigay.

Mayroon akong evidences. I have witnesses and mayroon din akong hawak na PDEA [Philippine Drug Enforcement Agency] report that vice mayor Furigay is listed in the level 3 high-value target of PDEA,” giit ni Yumol.

"Sa corruption issues... nagpatayo ng 2-storey hospital worth P30 million. Tatlong beses pinondohan pero hindi gumagana. Walang mga pasyente ang nakakagamit," dagdag niya pa.

Subalit, madiing itinanggi naman ng kampo ng mga Furigay ang mga paratang ni Yumol. Hindi rin daw umano totoo na nasa watch list ang mag-asawa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Samantala, naging viral naman sa social media ang post ukol sa mga kawang-gawa ng doktor sa Lamitan, lalo na sa mga mahihirap na walang pambili ng gamot.

Ito po ung doctor na may malaking malasakit at tumulong s mga kbabayan nya at ngbbgay ng libreng serbisyo sa mga mhihirap na alam nyang wlng pmbili ng mga gamot s bayan ng Lamitan,” ayon sa Facebook post ng BARMM WATCH.

Ngaung nsa kulungan xa cno pa ang tutulong s mga taong wlng pmbili ng gmot,xa lng madaling lapitan ng wlng mrinig na msskit n slita at mdaling lapitan khit wlng kplit mtulungan lng kbbyan nya,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang ilang mga netizens ay hustisya ang nais para sa doktor. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook:

“May Diyos Ama na nakakakita ng kanyang mga ginawa, meron siyang pagpapala sa mga darating na araw.”
“Bakit ganon masama ba ang tumolong. Nakukulong naba. Ngaun ang tumulong. Hay buhay bakit ngaba ganyan. Sr. Raffy tulong po. .”
“yan masaklap kung cno ang malaki ang puso tumulong sa mahihirap yan ang pagtuonan ng pansin para makulong.samantala marami mga maitim ang budhi cla ang malaya saan ang hustisya .”
“Ano n ba nangyayari sa earth imbis maganda layunin nya bat nging ganun”
“Imbis tumulong sa mahirap kinasuhan pa. Asan ba ang hustiya?”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel