Mister, nahuli si misis na kausap si ex at iba pa; misis, pumuslit na

Mister, nahuli si misis na kausap si ex at iba pa; misis, pumuslit na

- Ilang beses na raw nahuli ni mister si misis na may ka-text at katawagan

- Pero si misis, pumuslit na raw at dumiretso sa isang katrabaho

- Ngunit sa kabila nito, gusto pa rin daw makipagbalikan ni mister kay misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng tulong sa programang Wanted sa Radyo ang mister na si Russel Hernandez para makausap ang kanyang live-in partner na si Joelyn Cambe.

Matapos daw kasi nitong magpaalam na bibisitahin lang ang tiyahin ay hindi na ito bumalik pa.

Ang masaklap pa, sa isang kasamahan sa trabaho pa raw dumiretso si Cambe, na hinihinala nitong karelasyon ng kinakasama.

Sa kabila nito, gusto raw makipag-ayos ni Hernandez sa kinakasama para sa kanilang pamilya.

Ngunit nang makausap naman ang ginang ay mariin na itong tumanggi pa na bumalik kay Hernandez.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon sa ginang, "binababoy" ni mister ang kanyang pagkababae na itinanggi ng huli.

Madalas daw na naghihinala ang lalaki at wala naman daw itong napatunayan.

Pero giit ni Hernandez, ilang beses na niyang nahuli si Cambe na may ka-text o katawagan.

Mayroon pa umanong nag-I love you dito na dati nitong katrabaho.

Nahuli rin ni Hernandez si Cambe na kausap ang ex-boyfriend nito at ang tawagan pa raw ng dalawa ay "mahal".

Sa huli, tinanggap na lamang ni mister na hindi na babalik pa ang kinakasama sa kanya.

Pero inamin nito na hindi magiging madali para sa kanya ang makalimot sa magagandang pinagsamahan nila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jacob Batalon’s First Reaction When He Got The Role In Spiderman

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited the Philippines. Also, check out his message to Filipino fans. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel