68-anyos na lola na 'di raw maka-move on, nireklamo ng new GF

68-anyos na lola na 'di raw maka-move on, nireklamo ng new GF

- Samu't sari ang mga reaksyon ng mga netizens sa kakaibang love triangle ng 68-anyos na ex-GF, lalaking 27-anyos at latest GF nito na 36-anyos

- Hindi pa raw kasi maka-move on si ex-GF at nanggugulo pa rin

- Pero giit ni ex, niloko at pinaasa raw siya ng lalaking minahal niya ng todo-todo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi raw maka-move on ang dating nobya ng construction worker na si Gilbert Mara, 27-anyos, at ginugulo pa raw ang bago nitong nobya na si Jasmine Laurel, 36-anyos.

Idinulog ng magkasintahan ang kanilang reklamo sa programang Wanted sa Radyo laban sa ex-GF ni Mara na si Flory De Guzman, 68-anyos.

Ayon kay Laurel, sinisiraan daw siya ni De Guzman at kung anu-anong masasakit na salita ang sinasabi nito sa kanya sa text messages.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang tanungin naman ni Raffy Tulfo si Mara kung bakit sila naghiwalay ni De Guzman, sinabi nitong bigla na lang daw nitong na-realize na hindi na niya ito mahal at malaking factor dito ay ang edad ng ex.

Depensa naman ni De Guzman, niloko at pinaasa lang siya ni Mara. Hindi raw nito tinupad ang pangako nito na siya ay aalagaan hanggang sa huli.

Ngunit matagal na raw siyang hindi nagpaparamdam sa dalawa bagamat inamin niyang mahal pa rin niya ang lalaki.

Pinayuhan naman ito ni idol Raffy na huwag nang magmensahe pa at manira upang hindi ito masampahan ng kaso dahil may mga ebidensiya ang dalawa laban dito.

Nangako naman si De Guzman na hindi na manggugulo pa sa dalawa.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens sa reklamong ito:

"Natatawa ako kay lalaki..A BIG USER.9 yrs din mo hinuhuthutan c lola...ikaw bagong GF wag ibigay lahat dahil matutulad ka din kay lola..magsasawa din sya syo..ipagpalit ka din...u know karma.. isip isip dn gf."

"Yung ibang dalang babae ngayon na 20+ hirap mag hanap ng lalaki. si lola 68 na poblema pa rin sa lovelife naku lola . be mature enough senior citizen kana. lovelife pa rin poblema."

"Kaya pala hiniwalayan mo c 68 kc walang pera Yong matanda pag mayaman yang 68 nayan hindi mohiwalayan yan hehe."

"Nagpa-tulfo pa kau para mgpapalit lng ng sim tas deadma kawawa nman c Lola nanahimik kc yn gnulo ng lalake."

"Ito na atang episode na sumasakit tiyan ko sa tawa! Sa theme song ako nadali."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel