Misis na buntis, nakiusap pa na wag hawakan ng matapang na kabit ATM ni mister

Misis na buntis, nakiusap pa na wag hawakan ng matapang na kabit ATM ni mister

-Wala na raw magawa ang ginang laban sa asawang salawahan at sa kabit na matapang

-Reklamo pa ni misis na nagdadalang-tao pa naman, si kabit pa raw ang may hawak ng ATM ng kanyang mister habang siya ay hindi alam ang sahod nito

-Samantalang si kabit, handa raw na ipaglaban si mister mula kay misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis-labis na sama ng loob ang naipon sa ginang na si Jessica Alfonso mula sa kanyang mister na si Paolo Alfonso at sa kabit nito.

Si Jessica pa ang nakiusap kay Paolo na huwag naman sanang si kabit ang may hawak ng ATM nito habang siya ay hindi alam kung magkano ang sahod ng asawa.

Ayon pa sa ginang na nagdadalang-tao pa naman, humantong na sila sa pulisya at tumanggi pa raw ang babae ni mister na pumirma sa kasulatan na titigilan na nito ang kanyang mister.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sabi pa ni misis, harap-harapan daw kung mag-usap ang dalawa kahit na naroon lamang siya.

Nagawa na rin daw siyang saktan ng mister dahil sa babae.

Nang makausap naman ni Raffy Tulfo ang inirereklamong mister sa programang Wanted sa Radyo, itinanggi nito ang mga akusasyon ni Jessica.

Wala rin daw itong relasyon sa babaeng tinutukoy ni misis, kahit pa ilang larawan ang ipinakita ni misis kung saan makikitang magkasama si mister at ang itinuturong babae nito.

Nais lamang daw ni Jessica na maayos at mabuo ang kanilang pamilya. Gusto rin nito na tapusin na ng mister ang ugnayan nito sa babae.

Ayaw rin sana ni misis na makulong ang lalaki bagamat handa itong umaksyon kapag hindi pa ito tumigil sa pakikipagrelasyon sa kabit nito.

Ayon naman kay mister, handa siyang makipag-ayos sa misis. Giit nito, hindi lang naman daw siya ang may kasalanan.

Reklamo nito ang pangungulit daw ni misis hanggang sa oras ng kanyang trabaho. Itinanggi naman ito ng ginang.

Nakatakdang mag-usap ang mag-asawa para pag-usapan ang kanilang sitwasyon.

Samantala, nagprisinta pa si idol Raffy na maging ninong ng magiging anak ng dalawa na kasalukuyang ipinagbubuntis pa ni misis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money

Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel