Misis at mga kabit nito, sumasalisi raw pag pasok ni mister sa trabaho

Misis at mga kabit nito, sumasalisi raw pag pasok ni mister sa trabaho

- Dalawang beses na raw nahuli ni mister ang kanyang misis na mayroong lalaki

- Sabi ni mister, sumasalisi raw kanyang asawa kapag umaalis na siya para mag-trabaho

- Si misis pa raw ang nagalit at lumayas sa kanilang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila raw ng kabutihan ng lalaking si Regie Abobutal ay nagawa pa siyang lokohin ng kanyang misis na si Analiza Abobutal ng dalawang beses.

Sabi pa ni mister, sumasalisi raw si misis at ang kabit nito sa tuwing papasok siya sa trabaho.

Ang mga kapitbahay raw nila ang nagsumbong sa kanya na may lalaking pumupunta sa kanilang bahay sa tuwing aalis siya.

Bagamat inamin raw ni Analiza na may pumupuntang lalaki sa kanilang bahay ay itinanggi nito na kabit niya ang naturang lalaki.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang masaklap pa, dalawang beses na raw itong ginawa sa kanya ng misis. Ang huli, nahuli pa umano niya na ka-chat ni misis sa Facebook.

Nang komprontahin raw niya ito ay binaligtad pa umano ng ginang ang usapan nang inakusahan siya nitong may ibang babae.

Pagkatapos nito, lumayas na raw si Analiza sa kanilang bahay at kasalukuyang naninirahan sa isang boarding house kasama ang kapatid at tatlong lalaki.

Hindi na raw ito kinaya pa ni Regie kaya naman idinulog na niya ang problema sa programang Aksyon at humingi ng tulong kay Raffy Tulfo.

Maging si idol Raffy ay nawindang rin sa reklamo ng lalaki.

Sabi pa ni mister, sinubukan pa niyang pakiusapan si misis ngunit ayaw na raw talagang makipagbalikan nito sa kanya.

Nangako naman ng tulong si idol Raffy kay Regie na nagdesisyon nang sampahan ng kaso ang asawa.

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang OFW ang niloko ng kanyang misis. Ang masaklap pa ay nabuntis ito ng kabit nitong sundalo!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel