OFW, hinatulan na ang misis na hindi mabura ang 2nd account sa Facebook

OFW, hinatulan na ang misis na hindi mabura ang 2nd account sa Facebook

- Tuluyan nang hinatulan ng isang OFW ang kanyang misis na nagkaroon na ng kabit, nagkaanak pa rito

- Kahit makailang beses na nagmakaawa ang ginang sa kanyang mister ay tila matigas na ang puso nito

- Umabot na sa ilang milyon ang views ng kanilang reklamo sa social media dahil sa tindi ng kanilang istorya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila pinatigas na ng sakit at tuluyan nang nawalan ng tiwala ang OFW na si Rudyard Borlaza para sa inireklamong misis na si Melita Borlaza.

Matatandaang inireklamo ni Rudyard ang asawa sa programang Wanted sa Radyo matapos madiskubreng niloko at sinamantala siya ng asawa.

Nagkaroon ng kabit na isang sundalo si Melita at ang masaklap ay nagkaroon sila ng anak.

Tumatak sa isipan ng maraming netizens ang ikalawang account ni misis na tila hirap na hirap itong burahin.

Ito rin ang isa sa mga reklamo ni mister lalo pa at ito raw ang ginagamit ni misis para ma-contact ang kanyang kabit.

Sa kanilang paghaharap sa programa, nagmakaawa si Melita kay Rudyard ngunit nagmatigas na ang lalaki na kasuhan ito kahit pa nagdalawang-isip ito noong una.

Humingi pa ng ikalawang pagkakataon ang ginang ngunit balot na ng sakit ang OFW na wala na raw tiwala sa misis.

Patong-patong na raw kasi ang kasinungalingan ni misis sa kanya. Maging ang mga kamag-anak raw nito ay pinagtatakpan pa raw ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa magharap ang dalawa sa barangay sa Villasis, Pangasinan kung saan naghain ng reklamo si Rudyard laban sa kabit ni misis.

Ngunit ang lalaki ay hindi sumipot sa paghaharap na ito.

Noong una ay talagang desidido na ang OFW na sampahan ng kaso ang dalawa.

Sabi naman ni Melita, kapag sila lamang dalawa at walang camera ay nakukumbinsi niya ang mister na patawarin na siya.

Nagkaroon pa nga raw ng pagkakataon na magsiping sila na ayon naman kay mister ay natural lamang sa mag-asawa.

Binigyan naman ng programa ng pagkakataon na sila na lamang ang mag-usap sa harap ng barangay chairman.

Doon na nakumbinsi si Rudyard na huwag na munang sampahan ng kaso ang misis at kabit nito

Ngunit may kasunduan ang dalawa na mapupunta kay Rudyard o sa mga kaanak nito ang kustodiya ng mga bata.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel