Reklamo ng isang babae, pinagdudahan ni idol at ng mga netizens

Reklamo ng isang babae, pinagdudahan ni idol at ng mga netizens

-Diretsong tinanong ni Raffy Tulfo ang isang babaeng complainant kung ang reklamo ba nito ay totoo o planted lamang

-Inirereklamo kasi nito ang dating nobya ng isang plastic surgeon na kasalukuyang nasa pangangalaga ng programa ni Tulfo

-Maging ang mga netizens ay hindi rin kumbinsido sa reklamo ng babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang ginang ang lumutang at inirereklamo ang babaeng si Jean Irene Mendoza na kasalukuyang nasa pangangalaga ng programa ni Raffy Tulfo.

Matatandaang si Mendoza ang dating nobya ni Dr. Khaimar Jumdain na naibalitang ginugulo at pinagbabantaan ng doktor na dating Major.

Ngunit ayon naman sa ginang na si Marie Pablo, siya naman umano ang binastos ni Mendoza at natatakot siya sa posibleng gawin sa kanya ni Mendoza.

Ipinakita rin nito ang ilang larawan niya na ayon dito ay si Mendoza ang nagpadala sa kanya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Depensa naman ni Mendoza, Pebrero pa noong nag-chat silang dalawa at ang mga larawan na tinutukoy ni Pablo ay galing mismo dito.

Ayon dito, ang mga larawang ito ay mga screenshots lamang sa mga larawang ipinadala ni Pablo kay Dr. Jumdain na ipinakita naman nito kay Mendoza noong sila ay may relasyon pa.

Mismong ang doktor daw ang nagpakita nito sa kanya dahil duda ito sa intensyon ng ginang dahil sa mga larawang ipinadala nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging si Tulfo ay nagduda rin base sa mga kuha ng larawan na ayon kay Pablo ay para sa procedures na ipapagawa niya sana kay Jumdain.

Ngunit para kay idol, kwestyonable ang timing ng reklamo ni Pablo laban kay Mendoza lalo pa at kasalukuyang may banta sa buhay nito.

Dagdag pa ni Mendoza, nagbanta pa umano ang doktor na mayroong reklamong lilitaw laban sa kanya.

Maging ang mga netizens ay 'di rin kumbinsido sa reklamo ng ginang.

"Planted yan, lame excuse yan idol. Liar yan."

"Planted, planted, planted, planted... Ndi kauubra ky idol."

"Mission failed."

"Hindi porket mg e English ka, pero halata ngpabayad.. bayaran."

"tawang tawa pa daw si dok eh nung sinabihan nya si jean na may lalabas na hinarass kuno niya!!"

"sana hindi kana pumunta kay sir raffy tulfo , binigyan mu lang ng kakahiyan sarili mu."

Sa isa pang ulat ng KAMI, dalawa oang naging pasyente ni Dr. Jumdain ang lumutang at inireklamo ang palpal na nose job!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jollibee, kinumpirma na ang pag-hire sa mga senior citizens at PWD sa Maynila

Jollibee, kinumpirma na ang pag-hire sa mga senior citizens at PWD sa Maynila

Jollibee, kinumpirma na ang pag-hire sa mga senior citizens at PWD sa Maynila
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel