Pasyente na naging GF ni Dok na isang plastic surgeon, nagpasaklolo kay Idol Raffy

Pasyente na naging GF ni Dok na isang plastic surgeon, nagpasaklolo kay Idol Raffy

- Humingi ng tulong kay Idol Raffy ang isang dating pasyente at girlfriend ng plastic surgeon na si Dr. Khaimar Jumdain

- Umatras sa kasal nila si ate dahil sa labis na takot nito

- Nagulantang si Idol Raffy dahil dati nang inireklamo si dok sa kanilang programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil sa labis na takot, dumulog na si Jean Irene Mendoza sa programa ng 'Raffy Tulfo in Action' upang ireklamo ang dating karelasyon na isang plastic surgeon.

Nalaman ng KAMI na si Jean ay naging pasyente ni Dr. Khaimar Jumdain na dapat pa nga ay mauuwi sa kasalan pero umatras si ate.

Napag-alaman din na noong 2018 ay inireklamo na sa Tulfo si Khaimar ng misis niya na isang nurse matapos siyang gawing punching bag nito.

Dati ring pulis si Khaimar at nasibak ito sa serbisyo dahil sa naging reklamo kay Tulfo.

Ayon sa kuwento ni Jean, nagsimula ang kanilang relasyon noong Nov. 2018 pero nang umatras siya sa kanilang kasal ay hindi ito matanggap ni Khaimar.

Nagsimula raw ang lahat ng may naging problema si Khaimar sa isa niyang pasyenteng babae na gusto siyang sampahan ng kaso dahil pumalpak daw ang naging operasyon nito.

Natakot na si Jean nang sabihin daw sa kanya ni Khaimar na gusto niyang ipapatay ang doktor na magiging witness laban sa kanya ng pasyenteng nabanggit.

Binantaan pa raw siya nito na pag hindi siya nagbigay ng halagang 200k ay madadamay pati ang pamilya niya.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng netizens sa kuwento nila.

"Ex major ex doctor Ex convict na next nyan"
"Tigas ni kuya walang kadala dala natulfo na naman haha"
"She needs to get a Restraining order against him. He’s stalking her. That’s a crime!!"
"We call it OBSESSION!!! Major-doctor you need a psychiatrist."
"Ikaw pla yun dating pulis nasibak ngayon sibak kna nman ulit sa pagka doctor mo.sunod kumuha kna nman ng teacher course"
"100% expert doctor sa pagreretoke ng kasinungalingan, huli na nga!!! Ireretoke pa ang mga statement niya, lahat nalang ireretoke mo pati ikakaso mo sa mga walang sala ireretoke mo rin."
"Pag natanggalan xa ng licensiya..mag aaral n naman xa ng either law, education or engineering tpos magkakaroon na naman xa ng kaso. Advance lang akong mag isip"
"Harrassment yan dok. Kung susundan mo si ex-gf kung saan sya tumitira, isang kaso pa rin yan, STALKING naman! Disbarment ka rin nyan."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

As reported earlier by KAMI, isang mister na dentista ang pinagpalit ang kanyang misis at tatlong anak sa isang 19-anyos na kabit.

POPULAR: Read more news viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, Jennylyn Mercado revealed her favorite StarStruck finalist! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel