Mga "pangbabastos" ni biyenan sa kanya, nahuli-cam ni manugang

Mga "pangbabastos" ni biyenan sa kanya, nahuli-cam ni manugang

- Ipinakita ng isang ginang ang video na kuha niya kung saan makikita ang umano'y pagdadabog ng kanyang biyenan at pagwawalis ng dumi papunta sa kanilang pinto

- Ngunit mariin naman itong itinanggi ng inirereklamong biyenan at inakusahan naman ang manugang na ito daw ay bastos

- Nais rin sana ng ginang na makuha ang kanyang mga gamit na nasa poder pa ng kanyang biyenan na hindi nito isinauli sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Unang idinulog ng ginang na si Ena Hazel de Leon ang kanyang problema sa dating kinakasama na si Don Solis na hindi sapat ang ibinibigay na sustento sa kanilang dalawang anak.

Nais rin sana ng ginang na makuha ang kanyang mga gamit sa poder ng kanyang biyenang hilaw na si Ma. Dina Cariño na matagal na daw dapat naisauli sa kanya.

Nang tawagan naman si Dina ay umiiyak na dumepensa ito kay Raffy Tulfo at inakusahan si Hazel na binabastos daw siya nito kaya hindi sila magkasundo.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Mariin naman itong itinanggi ni Hazel at sa halip ay nagpakita ng mga video kung saan kita si Dina habang tila naghahagis ng mga gamit.

May kuha rin ito kung saan makikita naman ito na winawalis papunta sa may daanan nila Hazel ang mga dumi.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Ayon sa ginang, dumi daw ito ng mga anak ni Hazel at aayusin naman daw sana niya ito.

Naging mainit na rin ang sagutan ng bawat panig.

Ngunit sa huli ay nagkasundo na rin ang mga ito na kuhanin ni Hazel ang mga gamit niya sa bahay ng mga ito, pero hindi naging malinaw kung paano ito maibabalik sa kanya.

Maging ang sustento na hinihingi ni Hazel para sa kanyang mga anak ay hindi rin naging malinaw dahil ayon kay Dina ay walang maibibigay ang kanyang anak dahil wala itong trabaho.

Pati ang reporter ng programa ay binabaan na rin ng telepono ni Dina kaya naman hindi na naging malinaw pa ang kanilang usapan dahil nais naman ni Hazel na ihatid sa kanya ang mga gamit niya.

Nangako naman ng tulong ang programa ni Raffy Tulfo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Can You Recognize Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and ask people if they can recognize them – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel