Dahil sa baka, tatay, nabigyan ng suntok at bukol ng kanyang anak na babae

Dahil sa baka, tatay, nabigyan ng suntok at bukol ng kanyang anak na babae

- Mainit ang naging paghaharap ng mga magulang laban sa dalawa nitong anak sa programa ni idol Raffy

- Nag-ugat ang lahat dahil sa lupa at umano'y attitude ng mag-asawa sa kanilang mga kaanak

- Dahil dito, nagkaroon pa ng sakitan sa pagitan ng tatay at anak nitong babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Maaanghang ang mga salitang ibinato ng bawat isa, magulang laban sa kanilang mga anak.

Nagsimula ito nang ireklamo ng mag-asawang Nilo at Teresita Pepito ang kanilang mga anak na sila Anna Mae at Franz Pepito dahil sa pananakit ni Anna Mae at pagmumura nito sa kanyang nanay at tatay.

Ang kanilang sakitan, nagsimula nang ibenta ng mag-asawa ang baka na ipinundar ng mga ito kahati si Anna Mae nang walang paalam.

Ayon sa mag-asawa, ginamit nila ang pera sa pangpagamot ni Nilo.

Ganunpaman, nauwi nga ito sa sakitan. Ayon sa kwento ni Anna Mae, una umanong pinompyang ni Nilo ang mukha niya at tsaka siya dinuraan.

Doon na daw siya gumanti at sinuntok ang kanyang tatay. Dahil dito, nagkaroon ng bukol ang kanilang ama.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ngunit ang ugat ng kanilang matinding alitan ay dahil sa negosyo, lupang mamanahin at umano'y "attitude" ng mag-asawang Nilo at Teresita laban sa iba pa nilang mga kaanak.

Una na daw silang nagharap-harap sa barangay ngunit nauwi pa rin sila sa paghingi ng tulong kay Raffy Tulfo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Samantala, narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Mukhang pera lng yang mga anak idol raffy walang utang na loob walang respeto. Kakaiinis mga ganyang mga anak."

"Bago ka makipag away sa parents mo dapat isipin mo kung anong sakrepisyo ang ginawa nila mula ng isinilang ka hanggang sa lumaki ka."

"At the end of the day, ayaw parin siyang mapasama ng magulang niya. Hindi itinuloy yung kaso. Maliit na bagay pero lumalabas parin talaga ang pagiging magulang nila. Nakakalungkot lang bakit kelangan magkaganito mga pamilya dahil sa pera."

"Love your parents no matter what...bakakabigla ka sa ginagawa mo sa magulang mo.matanda na sila bakit d pa mapagbigyan."

"Kahit di mo makasundo magulang mo, di mo padin dapat labanan magulang mo. Una wala ka sa mundo kung wala magulang mo at wala ka ngayon sa lugar mo kung di dahil sa magulang mo."

"Kawalang hiya ng mga anak..bukulan mo ang magulang mo..in my opinion...wlang kapatawara."

READ ALSO: You Can Play the World’s Biggest Lottery, and It’s Totally Safe, Secure & Legit

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Can You Recognize Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and ask people if they can recognize them – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel