Isang estudyante patay, habang ang 7 ay na-ospital dahil di umano sa ininom na pampurga

Isang estudyante patay, habang ang 7 ay na-ospital dahil di umano sa ininom na pampurga

- Di inaasahang mamatay ang isang estudyante at pito naman ay na-ospital matapos uminom ng pampurga

- Nag-mass deworming sa paaralan ang mga bata at ilang oras matapos ito, nagsimula nang uminda ng pananakit ng tiyan at nawalan ng paningin ang mga bata

- Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng isa sa mga batang uminom ng pampurga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

300 daang estudyante mula sa San Isidro elementary school sa Surigao del Norte ang napabilang sa mass deworming ng kanilang paaralan.

Ayon sa ABS-CBN news, isang bata ang nagreklamong masakit ang tiyan at nawalan ng paningin limang oras matapos uminom ng pampurga.

Naisugod naman ito agad sa ospital ngunit sa kasamaang palad, pumanaw din ang bata.

Laking gulat ng lola ng bata kumbakit at paano ito nangyari.

Ayon naman sa panayam sa guro ng bata na si Thelda Paray, Hunyo pa lamang nang mapansin nitong laging sumasakit ang tiyan ng bata.

Ngunit tatlong araw bago ang mass deworming, wala naman daw itong iniindang sakit.

Nakakain din ang bata bago isagawa ang pagpupurga. Nilinaw din ng guro na may parent's consent naman na pinapirmahan ang nurse kaya naman ito isinagawa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Samantala, pito sa mga batang nakainom ng pampurga ang nakaranas din ng pananakit ng tiyan at pansamantalang kawalan ng paningin.

Labis na ikinabahala ito ng kanilang mga magulang.

Dahito dito, pansamantalang itinigil ang mass deworming sa iba pang mga eskwelahan sa Surigao.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon at hinihintay pa rin ang resulta ng autopsy sa bata upang matiyak ang dahilan ng pagkamatay nito.

POPULAR: Read more viral stories here

READ ALSO: You Can Play the World’s Biggest Lottery, and It’s Totally Safe, Secure & Legit

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica