Nagbanta pa! Suspek sa pamamaril sa Grade 7 na estudyante namataan malapit sa burol ng biktima

Nagbanta pa! Suspek sa pamamaril sa Grade 7 na estudyante namataan malapit sa burol ng biktima

- Namataan ang security guard na namaril sa isang Grade 7 na mag-aaral malapit diumano sa burol ng biktima

- Ayon sa mga kaklase ng biktima, hinabol pa sila ng suspek at pinagbantaan

- Isusunod daw sila ng suspek at kumukuha lang daw ito ng tyempo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malagim ang sinapit ng isang Grade 7 na mag-aaral sa Laguna matapos pagbabarilin ito ng isang lalaki na pumasok sa mismong paaralan.

Naging usap-usapan ang balita dahil sa naging anggulo ng pamamaslang. Sa isang ulat ng GMA news, namataan diumano ang suspek malapit sa pinagbuburolan sa binata nitong nakaraang Biyernes.

Mismong classmate ng biktima ang nakakita sa kanya nang bumili sila sa isang convenience store sa Purok 6, Barangay Bucal. Ayon sa kanila, tumakbo agad sila nang makita nila ang suspek na si Renan Estrope Valderama.

Gayunpaman, hinabol sila ng suspek at pinagbantaang, "Isusunod ko kayong apat. Kumukuha lang ako ng tiyempo."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakaputing damit at sumbrero diumano ang suspek. Agad namang naalerto ang kapulisan at pinaghahanap na ang suspek.

Ayon sa police report, nabaril ang biktima sa ulo noong Huwebes, ika-apat ng Hulyo. Inakyat umano ng suspek ang bakod upang makapasok. Agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian din ng buhay ng bandang alas 4:00 ng hapon ng araw ding iyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people to say these popular Pinoy tongue twisters. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel