Batang babae, naparalisa dahil sa kagat ng garapata

Batang babae, naparalisa dahil sa kagat ng garapata

-Sobrang natakot ang isang ginang matapos na maparalisa ang mga binti ng kanyang 7-anyos na anak na babae

-Nang dalhin niya ito sa ospital ay napag-alamang dahil sa kagat ng garapata kung kaya ito nagkaganoon

-Kaya naman sa pamamagitan ng Facebook ay nagbigay ng babala ang ginang para sa iba pang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi makapaniwala ang ginang na si Heidi Ganahl na dahil lamang sa kagat ng garapata ay mapaparalisa ang kanyang 7-anyos na anak.

Ayon sa kwento nito sa FB post, 10 araw pagkatapos nitong umuwi mula sa overnight camp ay bigla na lamang na hindi nito maigalaw ang mga binti.

Sabi pa ni Heidi, nang umuwi ito ay mayroon siyang nakuhang mga garapata mula sa ulo ng anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad daw nitong tinawagan ang doktor at binantayan ang mga sugat sanhi ng kagat ng garapata.

Ngunit dahil sa naging kondisyon ng anak ay agad na niya itong isinugod sa ospital at doon napag-alamang mayroon itong tick paralysis.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, nang tanggalin ni Heidi ang mga garapata sa ulo ng anak ay may mga naiwang bahagi nito sa anit ng anak na nag-iwan rito ng neurotoxin.

Nakukuha ito mula sa mga garapatang babae na may mga itlog.

Sa kabutihang palad ay maingat na naalis ng mga doktor ang mga naiwang bahagi ng garapata sa bata.

Ganunpaman ay nagbigay pa rin ng babala ang ginang sa pamamagitan ng isang Facebook post para sa iba pang magulang kaugnay ng tinamo ng anak mula sa kagat ng garapata.

Batang babae, naparalisa dahil sa kagat ng garapata

Photo source: Google Images/photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can! Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right? Check out all of our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel