Lalaki, inakusahan ng isang nagpakilalang doktora na dumali umano sa kanilang sasakyan
- Hindi na napigilang maglabas ng sama ng loob ang isang motorista
- Ito ay matapos siyang pagbintangang nakasagi sa isang sasakyan ng isang babaeng nagpakilalang isang doktor
- Gigil na gigil ito sa kanila at hinihingi pa ng isang kasamahan ni doktora ang kanyang lisensya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng Facebook user na si Johnidel Narag ang mga video na kuha sa dashcam upang patunayan na hindi totoo ang ibinibintang sa kaniya ng isang babaeng nagpakilalang doktora.
Base sa video na kanyang ibinahagi, makikitang magkasunod ang sasakyang minamaneho ni Narag at ng Toyota Fortuner. Gayunpaman, nag overtake ang sasakyan nila 'doktora' na makikita din sa isang video na kanyang ibinahagi.
Makikita din na tila may lubak na dinaanan ang Toyota Fortuner at medyo kumalabog iyon. Nauna na ang sasakyan nina Narag nang tila binubusinahan na sila.
Muling nag overtake ang sasakyan at huminto upang harangin ang grupo nina Narag. Bumaba ang tatlong lulan ng sasakyan.
Isang babae ang lumapit at nagsabing , "Ba't nanginginig ka ha?"
Na sinagot naman nila nang "Ay nagkape po kami."
"Nakikita ko eh, halatang nagpapalpitate ka sa itsura mo oh. Hindi, ako doktor ako, I can see," sagot pa ng babae.
Nagkasagutan pa sila at pilit pinaliwanag ng inaakusahang driver ang kanyang panig ngunit tuloy lang ang babae.
Ayon pa din sa isang video, hiningi pa ng isa sa tatlong taong ito ang lisensiya ni Narag na hindi naman tama dahil wala silang karapatan para gawin iyon.
Here's the ending part, to my dismay... "Gusto mong tumakas? Sige, patatakasin ka namin. Pipicture-an namin 'to."
Narito ang nilalaman ng post ni Narag.
Madalas, kung sino pa yung may pinag-aralan at nakaka-angat sa buhay, sila pa yung mga bastos. Uploading these videos caught by dashcam for them to have a peace of mind. Maswerte lang talaga yung driver at mga sakay ng Toyota Fortuner with Plate No. ABR 5432 dahil walang traffic enforcer at that time para ipaintindi sa kanila na hindi ko sila binangga. You have no clear evidence on your accusations and right to get my driver's license.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Samantala marami sa mga netizens ang nagpakita ng suporta sa pinagbintangang motorista lalo na at may ibedensiyang pinakita ito na magpapatunay na wala siyang ginawang masama.
Narito ang ilan sa mga naging reaksiyon ng netizens:
buti n lng kalmado ka, ask p kng bakit k kinakabahan, natural, kayo ba ang i-cut at habulin, dami2 p nila. Mya2 laman ng balita to, lol! Baka my pinagdadaanan si doktora..pagpasensyahan n. O yan sana makarating s kanila ung video n to pra magkaalaman n at para s patas n pagbabalita, lol. Makapagbigay ng side nila, let's see their versions.
Uy pre JD nakaka 3M+ views na yan. haha siguro naman meron na isa nakakakilala kay doktora nakakita din nito. At least man lang mag-sorry siya sa inyo sa abala nila. Toinks! Siya yung mukhang nagpapalpitate e, hindi ako doktor pero halata sa boses niya! toinks ulit!
Buti may dashcam...
Pero sa likod daw yung nabangga mo
Were they asking for your DL?? Pathetic losers, they are.
ang funny nila ahh. They are not in tbe right to confiscate it. Baka ngayon lang nagkasasakyan kaya ganun. Pero ang stupid lang talaga nila.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter
HumanMeter continues to ask tricky questions in the streets of the Philippines. We will try to find out how many respondents can translate some of Filipino proverbs in English.
Source: KAMI.com.gh