LGBT couple, nag-ampon ng 6 na batang magkakapatid mula sa 1 ampunan
-Masayang ipinahayag ng LGBT couple sa social media ang pagkakaroon nila ng anim na anak mula sa isang ampunan
-Ang anim na batang napili nila ay magkakapatid na halos limang taon nang nasa ampunan
-Bagamat halos isang taon pa lamang nilang nakilala ang mga bata ay parang matagal na raw ang kanilang ugnayan sa isa't-isa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Sa isang Facebook post ni Steve Anderson-McLean masaya nitog ibinalita ang opisyal na pagiging magulang nila ng asawang si Rob Anderson-McLean sa anim na batang mula sa isang ampunan.
“So it’s official! This is the first of many!”
“We would like to introduce in order from left to right… Carlos, Nasa, Lupe, Maria, Selena and Max Anderson-McLean!” anito sa post.
Ayon sa ulat ng Inquirer, nagkaroon ng ideya ang LGBT couple na mag-ampon ng magkakapatid nang may nakitang kaparehong istorya sa TV.
Sa kanilang pag-re-research, napag-alaman ng dalawa na maraming magkakapatid na nasa mga ampunan ang nagkakahiwa-hiwalay kapag naaampon.
Dahil dito, natagpuan nila ang magkakapatid na sina Carlos, Guadalupe, Maria, Selena, Nasa at Max, na nasa pangangalaga ng isang ampunan sa loob ng limang taon.
“We instantly fell in love. They’re very easy to make smile,” ayon kay Steve. “It was a bad background, a sad story."
Ayon pa sa report, taong 2017 nang tuluyan nang mawalan ng karapatan ang mga magulang ng mga ito dahil sa pang-aabuso.
Nag-match ang mag-asawang Steve at Rob sa mga bata noong June 2018 at naging opisyal na mga magulang noong Mayo 23, 2019.
“The judge asked, ‘Do you understand at this point forward they are your children? They are just as much as your biological children,’”
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
“Obviously we knew that, but when I looked up and saw all those eyes, it was very emotional. We never imagined we’d be lucky enough or blessed enough to have six.” sabi pa ni Steve.
Sabi pa ni Steve, halos isang taon pa lamang nilang nakikilala ang mga bata ngunit parang matagal na ang kanilang ugnayan sa isa't-isa.
“We’ve known them for less than a year, but at the same time, it feels as if our emotional bonds were years in the making,” anito.
“There are no rules as to what can constitute a family and the love that we share." dagdag pa ni Steve.
Napag-alaman ng KAMI na anim na taon nang kasal ang dalawa at 18 taon nang magkakilala.
Bago ang anim na magkakapatid ay mayroon ng mga anak ang mga ito mula sa mga una nilang relasyon.
Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, ipinagdiwang sa Taiwan ang pinaka-unang LGBT marriage sa Asya.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI
Source: KAMI.com.gh