Nakakabahalang video ng baliw na nantutok at nanakit ng pasahero sa jeep, nag-viral

Nakakabahalang video ng baliw na nantutok at nanakit ng pasahero sa jeep, nag-viral

- Isang video ang nagpakita ng isang baliw na nantututok sa jeepney

- Puno ng dugo yung kamay niya at kahit sinabihan na si mamang driver na pababain ay di man lang pinababa ang baliw

- Nang ito'y bababa na, tuloy pa rin ang pantutok niya at ang mamang humarang sa kanya ay kanyang sinunggaban

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinost ng isang netizen ang video ng naenkwentro niyang mamang baliw sa jeep. Puno raw ng dugo ang kamay at halatang marahas ang pagkatao.

Nalaman ng KAMI na sinabihan na ang driver ng jeep na pababain na ang mamang may dalang matulis na bagay, pero hindi ito ginawa ng driver.

Kahit na makikitang nagiging agresibo na ang galaw ng mama sa jeep, hindi pa rin siya pinababa ng driver.

Nang pababa na ang mama, may isang pasahero ng jeep na nagtangkang pigilan siya dahil baka may masaktan pang ibang tao.

Kaya lang mas naging agresibo ang mama at sinunggaban ang pasaherong lalake.

Ayon sa nag-post ng video sa Facebook na si Lorraine Fajardo, nadaplisan daw ang lalake ng bitbit na matulis na bagay ng mamang baliw.

Panoorin ang nakakabahalang video na inupload ng Facebook user Lorrainne Arroyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi nga ng netizen, kahit na magji-jeep o saan man pumunta, kailangan dobleng ingat talaga.

Sana raw ay makulong na rin ang mama bago pang may masaktan na ibang tao.

Maraming netizens ang nagpahayag ng pagkabahala at pinag-ingat ang kanilang mga mahal sa buhay sa tuwing nasa daan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo recounts her most embarrassing moment on set and it's utterly hilarious! Watch it on Human Meter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel