MSWD, iginiit na maayos ang 2-anyos sa piling ng tatay sa kabila ng nag-viral na larawan ng tangkang pagbigti sa bata

MSWD, iginiit na maayos ang 2-anyos sa piling ng tatay sa kabila ng nag-viral na larawan ng tangkang pagbigti sa bata

- Nakarating sa Raffy Tulfo in Action ang nagviral panawagan ng isang ina sa social media na tulungan ang 2-anyos na anak

- Nang makausap ni Idol ang MSWD, sinabi ng MSWD na sa kanilang assessment, mabait daw ang tatay sa anak niya

- Sinabi ni MSWD Chief ng Dulag, Leyte na batay sa assessment daw nila, safe naman daw yung bata sa ama nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang litrato ng isang 2-anyos na nakapatong sa plastic stool at may tali ang leeg na parang magbibigti.

Sa isang ulat ng KAMI, makikitang ito ay pinost ng sariling ina ng bata upang makahingi ng tulong na makuha ang anak sa piling ng ama.

Ang anak daw niya ay pinapahirapan ng ama sa tuwing hindi makakapagbigay ang inang OFW ng pera.

Nakarating ang panawagang ito kay Idol Raffy na siya namang umaksyon agad at ipinaalam sa nararapat na mga ahensya ang sitwasyon ng bata.

Nakausap ni Idol ang MSWD Chief ng Dulag, Leyte na si Mildred Matol at sinabi niyang base sa aktwal daw na assessment ay hindi natatakot ang bata sa tatay.

"Extremely opposite ang makikita sa aktwal, maganda ang relationship sa father," ito ang sinabi ni Matol.

PAY ATTENTION: 12 Most Unique Celebrity Weddings

Pinapakain daw ang bata, at sinusubuan. Tatay daw niya ang tatawagin niya kung iihi siya or para magbukas ng kendi.

"Yung walang takot na relationship between father and daughter, yun ang nakita sa bahay nila."

"Batay sa nakikita namin sa aktwal, yun ang basis namin for assessment na yung bata ay safe na nandun sa tatay niya."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Iginiit pa ng MSWD Chief na licensed social worker daw siya at yun ang lumalabas sa assessment nila.

Nag-react naman ang mga netizens sa sinabi niya:

silya yan sir idol...nku mswd...pati nanay ng bata gin block muh pa...hanap ng lusot maam
Sir raffy tulfo,wag napo idaan jan sa mswd kc tulog c mswd,haaha kaloka,bweset na mswd,walang kwenta
Taray ni Mrs mswd,yeah I have license bobo!!may license ka nga wala ka namang utak at pangisip,inshort u don't have a common sense
Profesional license ka nga tanga ka nman walang common sense..

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo recounts her most embarrassing moment on set and it's utterly hilarious! Watch it on Human Meter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel