Lalaki, umaming apat na beses niyang hinalay ang 7 anyos na anak ng katrabaho

Lalaki, umaming apat na beses niyang hinalay ang 7 anyos na anak ng katrabaho

- Nasakote ng pulisya ang isang construction worker na di umano'y humalay sa anak ng kanyang katrabaho

- Kasama ng suspek sa bahay ang pamilya ng biktima kung saan nagagawa ang krimen

- Kakasuahan ng rape ang 20 anyos na kinilalang si Romeo Quirim

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di lang isa kundi apat na beses na ginamit ang isang pitong taong gulang na batang babae ng katrabaho ng kanyang ama na isang construction worker.

Sa ulat ng ABS-CBN news, dumulog daw ang magulang ng bata sa pulisya dahil sa pangmomolestiya di umano ng 20 anyos na si Romeo Quirim.

Nakikitira ang suspek sa bahay ng pamilya ng biktima kung saan nagawa ang kahalayan sa batang tinago sa pangalang "May."

PAY ATTENTION: 15 True Facts About Meghan Markle Before Meeting Prince Harry

Nang paliliguan ang bata, nakita ng ina nito na tila may dugo ang suot nitong salwal at umiinda ng may masakit sa kanyang ari.

Dito, sinabi ng batang gawa raw ito ni "kuya JP" na tawag nila kay Romeo.

Di naman ito tinanggi ng tinuturong suspek at inaming nagagawa niya mula pa noong Enero ng kasalukuyang taon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagagawa niya ito kay May kung siya ay lango sa alak o pag siya ay nakakagamit ng pinagbabawal na gamot.

Samantala, sumasailalim na therapy kasama ng isang psychologist si May na na-trauma sa pangyayari.

Nadakip ng pulisya si Romeo kahapon, Marso 30 at haharap ito sa kasong rape.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel