Ginang, nagbabala sa mga kapwa babae tungkol sa abnormal na paglaki ng tiyan

Ginang, nagbabala sa mga kapwa babae tungkol sa abnormal na paglaki ng tiyan

-Inakala umano ng isang ginang na sadyang malaki lang ang kanyang tiyan pagkatapos na manganak

-Ngunit marami na ang nakakapansin sa kanya at maging ang isang nurse ay inakala rin na siya ay buntis lalo pa nga at may narinig umano silang heartbeat

-Matapos ang ilang eksaminasyon sa kanya, napag-alamang mayroon siyang bukol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami raw ang nakakapansin sa paglaki ng kanyang tiyan kahit pa ilang taon na ang lumipas mula nang siya ay manganak.

Ngunit ang inakalang baby, bukol pala! Ayon sa netizen na si Leenzae Flores Manalo sa kanyang Facebook post, nagkaroon siya ng Ovarian New Growth (ONG).

Taong 2017 pa raw nanganak si Manalo ngunit ang kanyang tiyan ay nanatiling malaki sa kabila ng pagbaba ng kanyang timbang.

Ginang, nagbabala sa mga kapwa babae tungkol sa abnormal na paglaki ng tiyan

Photo source: Leenzae Flores Manalo Facebook account
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

2019 nang pabakunahan niya ang kanyang anak, napansin umano ng nurse sa clinic ang malaki niyang tiyan kaya naman inalok siyang i-check nito.

Laking-gulat daw ng ginang nang may narinig silang heartbeat mula sa kanyang tiyan.

Kaya naman agad silang kumonsulta sa doktor at sinabing mayroon siyang bukol at aakalain umano na siya ay pitong buwan nang buntis dahil dito.

Ginang, nagbabala sa mga kapwa babae tungkol sa abnormal na paglaki ng tiyan

Photo source: Leenzae Flores Manalo Facebook account
Source: Facebook

Kumonsulta rin sila sa ibang doktor at pareho lamang ang sinabi nito kaya naman agad siyang sumailalim sa iba't-ibang test.

Sa kabutihang-palad ay hindi naman cancerous ang bukol na tumubo sa ginang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang makasiguro, agad na binigyan siya ng schedule para sa operasyon.

Ligtas at nagpapagaling na ang ginang ngunit nagbigay siya ng babala para sa mga kapwa niya babae na huwag balewalain ang mga sintomas na nararamdaman sa katawan.

Aniya, ang mga sintomas ng kanyang sakit ay halos kapareho ng pagbubuntis o ng sakit na UTI.

Kaya naman agad na kumonsulta sa doktor kung nararamdaman ang mga ito lalo pa at hindi naman buntis:

*Irregular Menstruation

•Pananakit ng tagiliran

•Pananakit ng balakang

•Ihi ng ihi

•Parang naglilihi

•Walang gana

•Discharge na parang yellow na sipon na parang nagiging muta

•Hirap na pagdumi

•May heartbeat din (minsan lang di araw araw)

•Parang may umiikot at lumalagutok sa tyan

•Paglaki ng tyan/puson (pag maliit pa yung bukol puson ang malaki)

Ginang, nagbabala sa mga kapwa babae tungkol sa abnormal na paglaki ng tiyan

Photo source: Leenzae Flores Manalo Facebook account
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel