Kabit at legit, muntik maging mag-"BFF"! Nagawa pang tumira sa 1 bahay

Kabit at legit, muntik maging mag-"BFF"! Nagawa pang tumira sa 1 bahay

-Tumira sa iisang bahay at naghati pa sa mga gawaing-bahay ang misis at kabit ni mister

-Giit ni kabit, halos subuan na niya ng pagkain si misis dahil sa pakikisama

-Sagot naman ni legit, inalagaan niya ang mga anak ni kabit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action ang ginang na si Katrina Tacutaco upang ireklamo ang kanyang mister na si Vergel at kabit nito.

Ayon kay misis, hindi na nabibigyan ng maayos na sustento ang anak sa kanya ni mister.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Ngunit giit naman ng kabit ni mister na si Espie Bautista, hindi nagkukulang ang ama ng bata dito.

Sa kanilang pagtatalo on air, napag-alamang tumira pala ang mga ito sa iisang bahay kasama ang kani-kanilang mga anak at si mister!

Ikinagulat naman ito ni Raffy Tulfo at tila naguluhan sa naging set up ng dalawang pamilya.

May mga pagkakataon pa umano na silang dalawa na ang nagdamayan sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

Katulad nang atakihin umano ng sakit sa puso si legit ay si kabit pa ang nag-asikaso rito.

Habang nang sumakit naman ang tiyan ni kabit ay si legit naman ang kasama nitong nagpa-ultrasound.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Biro pa ni Tulfo, tila naging mag-bestfriend pa ang dalawa!

Paliwanag naman ni Katrina, pumayag lamang siya sa set up na iyon alang-alang sa mga bata at dahil buntis si Espie.

Maraming netizens ang 'di natuwa sa desisyon na iyo ng legit lalo pa at kasal ito sa mister at may karapatan siyang magreklamo.

Sabi pa ni Tulfo, martir si Katrina dahil sa pagpayag nito sa mga kagustuhan ng kanyang asawa kahit pa nga ibig sabihin nito ay pagpapakababa ng kanyang pagkababae.

Ganunpaman, hinikayat ni Tulfo na mag-ayos na lamang ang dalawa.

Ngunit sa huli ay nagdesisyon si Katrina na kausapin muna ang anak at ang mister para sa mas maayos na set up ng dalawang kampo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI Humanmeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan

Rescuer sa guho sa Porac, takbuhan matapos yanigin muli ng lindol ang lugar

Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel