12-anyos, ilang beses ginahasa ng amain; nilalatigo pa 'pag tumatanggi

12-anyos, ilang beses ginahasa ng amain; nilalatigo pa 'pag tumatanggi

-Hindi na naitanggi pa ng isang lalaki ang krimeng nagawa niya sa kanyang stepdaughter

-Ang 56-anyos na suspek, ilang beses na ginahasa ang biktima na ipinagkatiwala sa kanya ng ina nito

-Ayon pa sa dalagita, bumabatak muna ang amain bago siya gahasain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang 56-anyos na lalaki sa Pandacan, Maynila matapos itong isuplong ng stepdaughter nito.

Ayon sa 12-anyos na dalagita, ilang beses siyang ginahasa ng amain!

Dagdag pa nito, bumabatak muna ng droga ang suspek bago siya gahasain.

Maging ang mga kaibigan umano ng amain ay ginagahasa na rin siya!

12-anyos, ilang beses ginahasa ng amain; nilalatigo pa 'pag tumatanggi

Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang masaklap pa, napag-alamang nilalatigo pa ang biktima gamit ang solid electrical wire kapag tumatanggi itong magpagahasa sa suspek.

Sa katunayan, ayon sa ulat ni Zyann Ambrosio ng ABS-CBN News, ay kita pa sa mga hita ng dalagita ang mga latay mula sa panglalatigo rito.

Hindi na rin ito itinanggi pa ng suspek at humingi na lamang ng tawad.

Ayon sa ulat, ang ina mismo ng bata ang siyang nagsuplong sa live-in partner niya.

Ipinabilin lamang pala nito sa suspek ang anak dahil ito ay nag-ta-trabaho.

Nagawa ring ituro ng biktima kung saan itinatago ng amain ang mga droga nito.

Sasailalim naman ang dalagita sa counseling sa Department of Social Welfare and Development.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel