Aktwal na pagsabog ng cellphone sa mukha ng babae, nakunan ng CCTV

Aktwal na pagsabog ng cellphone sa mukha ng babae, nakunan ng CCTV

- Nag-viral ang video ng aktwal na pagsabog ng cellphone habang gamit ng isang babae sa opisina

- Ayon sa caption ng post, nasira raw ang mukha ng babae dahil sa pagsabog na kitang kita sa kuha ng CCTV

- Maging babala ito sa mga gumagamit ng cellphone habang naka-charge

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang nakaaalarmang video kung saan kitang kita kung paano sumabog mismo sa mukha ng babae ang kanyang ginagamit na cellphone.

Ayon sa post ng netizen na si Sarah Gold, ate raw niya ang nasa video. Nasira di umano ang mukha ng kanyang kapatid dahil sa pagsabog.

May kausap daw ang ate niya sa cellphone nito na naka-charge nang biglang sumabog ito. Nakatakbo ang babae papalapit sa kasama niya sa opisina at di naman na lumaki pa ang apoy na mula sa pagsabog.

Mapapansing nagulat at nagkagulo ang mga tao sa opisina dahil sapagsabog.

Maging babala sana ito sa publiko lalo na sa mga mahilig gumamit ng gadgets na naka-charge.

Ilang ulat na ang naitala kung saan malaki ang posibilidad na sumabog ang gadget na naka-charge.

Isa na rito ang unang naibalita ng KAMI kung saan isang 16 na taong gulang na binatilyong hirap idilat ang mata nang masabugan ng cellphone.

Samantala, nabahala ang mga netizens na nakapanood ng video at pinaalalahanan ang kanilang mga mahal sa buhay ukol sa maling paggamit ng cellphone habang ito ay naka-charge.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Bawal talaga gumamit ng cp pag nka charge"
"oh yan kaya lagi makinig sa paalala, wag matigas ang uo, pag naka-charge, naka-charge!"
"paki sabihan mo din mga anak natin, di makahintay pag nakasaksak pa sa charge..."
"Mapa-bata mapa-matanda pasaway e! ilang pagsabog pa ba ang mangyayari bago maniwala?"
"Hala! katakot naman... buti di lumaki ang apoy"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa sikat na singing reality show ang The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel