6 na dapat malaman at gawin upang makaiwas sa "momo challenge" na kumitil sa buhay ng ilang kabataan

6 na dapat malaman at gawin upang makaiwas sa "momo challenge" na kumitil sa buhay ng ilang kabataan

Nag-viral kamakailan ang pagkamatay ng isang 11 taong gulang na batang lalaki dahil umano sa kumakalat online na tinatawag na "Momo challenge". Una na itong naibalita ng KAMI na labis nang ikinabahala ng mga magulang.

Nagbigay ang Facebook page na Mommy Pephot ng ilang impormasyon tungkol sa challenge na ito na patuloy na nagkakalat ng kasamaan lalo na sa mga kabataang mahilig maglaro ng online games o magbabad sa kanilang gadgets.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Narito ang ilan sa dapat nating malaman at gawin upang maisalba ang buhay ng ating mga anak sa maaring kapahamakang mangyari sa kanila:

1. Nalaman ng KAMI na si Momo ay isang character na ginawa sa Japan. Ngunit ang challenge kung saan nag-uutos ng pagpapakamatay ay di konektado sa gumawa nito.

2. Ang "momo challenge" ay nagsimula sa isang chat app na pag nagawa mong i-text ang numero ni "Momo", magbibigay na ito sa iyo ng mga gagawin mo sa kanyang mga challenges. Kasama na rito ang panonood ng horror at magtatapos sa pananakit sa sarili o ang malala ay ang pagpapakamatay. Kailangan daw itong maisagawa sa loob ng 50 na araw.

3. Sa ngayon, di na ito isang app dahil kumalat na rin ito sa Youtube, Roblox, Fortnite, Minecraft at maging sa Youtube kids. Edited daw umano ang ilang videos lalo na sa Youtube kids kung saan bigla na lamang lalabas ang "momo challenge" na aakalain ng bata ay bahagi pa rin ng kanyang pinapanood.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

4. Kausapin ang mga anak lalo na ang nahihilig sa online games at ang panonood ng videos sa Youtube. Busisiing mabuti ang kanilang ginagawa sa gadgets. Maglaan ng oras upang masuri ng mabuti ang mga laro nila at napapanood online.

5. Alamin din ang mga pinag-uusapan ng inyong anak sa kanilang "group chat" dahil may ilang ulat na ang nakapagsabing grupo na rin minsan ang paggawa ng "momo challenge" na ito.

6. Kung may napansin din mismong kakaiba, at kahalintulad ng "momo challenge" na ito ay ipagbigay agad sa kinauukulan.

Sadyang nakakatakot na ang mundong ating ginagalawan sa ngayon. Walang ibang makapagpo-protekta sa mga bata kundi ang pagmamahal ng mga tao sa kanilang paligid lalo na ang kanilang mga magulang.

Mahalagang kilala natin ang ating mga anak nang sa ganun ay maiiwas natin sila sa ganitong klaseng kapahamakan na maaring kumitil sa sarili nilang buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto has a message for Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel