Pakikipagtalik sa Luneta, mahigpit nang pinagbabawal

Pakikipagtalik sa Luneta, mahigpit nang pinagbabawal

- Tadtad na ng closed circuit television ang Luneta kaya naman mahigpit na pinagbabawal ang anumang gawaing malalaswa sa pampublikong lugar

- Ang sinumang makikitang may ginagawang di nararapat sa publiko ay haharap sa kasong paglabag sa City Ordinance 7780 o Indecent Act in a Public Place

- Nanawagan din si NPDC executive director Penelope Belmonte na bigyang respeto naman sana ang parke kung saan naroon ang rebulto ng ating pambansang bayani

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Doble na ang paghihigpit ngayon sa Luneta park lalo na sa mga taong lakas loob na nakagagawa ng mga bagay ng pampribado lamang sana.

Ayon sa Philippine Star, mahigpit nang pinagbabawal ang 'pagsosolo', 'pagpaparaos' mas lalo na ang pakikipagtalik sa nasabing parke lalo na at marami nang nakakalat na closed circuit television o cctv ang lugar.

Sa pamamagitan nito, mas madaling mahuhuli ng mga security personnel sa lugar ang sinumang gagawa ng kalaswaan sa pampublikong lugar na ito.

Ang sinumang lalabag sa patakarang ito ay haharap sa kasong mahaharap City Ordinance 7780 o Indecent Act in a Public Place

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag pa ni NPDC executive director Penelope Belmonte, bigyang respeto sana natin ang lugar kung nasaan ang rebulto ng pambansang bayaning si Jose Rizal.

Kahit na pampublikong lugar ang Luneta, naging paborito itong lugar ng mga magkasintahan. Ang masaklap pa rito, ito na rin ang lugar nila kung saan nagpaparaos ang iba kahit pa alam nilang posibleng may makakita sa kanilang ibang tao.

Maging daan na rin sana ito upang tuluyang magkaroon ng kahihiyan ang sinumang magtangka pang gumawa ng kalaswaan o mga bagay na sanay sa pribadong lugar lamang.

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang ordinansang ito na at karamihan ay nagawa pa itong batikusin. Narito ang kanilang mga komento:

"Malabo ang cctv sa gabi. Kung parehas naman kayong maitim walang problema. .. HAHAHAHAHA"
"Totoo naman eh dati pa yan lantaran pa lalo na don sa Chinese Garden namasyal kami ng friends ko takip payong lang ang simplehan may ginagawa na pala don grabehan kung di na kasi makatiis mag chek in na lang hindi yung dyan kayo sa luneta ngkakalat ng lagim"
"CCTVs were worthless specifically at night when there's no light. You cannot see who's doing miracle at this park. Those homeless couples got families by having s** there. And they have lots of children thanks to this Luneta Park."
"May nagbabantay naman kaya ng cctv? Karamihan kasi ng cctv walang nagbabantay, saka na lang makikita ang pangyayari kapag may report na, irereview na lang, iba yung merong nakatutok na operator"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel