Reklamo ng misis na may sakit, sablay padala ni mister dahil sa bisyo at kabit

Reklamo ng misis na may sakit, sablay padala ni mister dahil sa bisyo at kabit

-Dumulog ang isang ginang sa Wanted sa Radyo upang ireklamo ang kanyang asawa na sumasablay na raw sa padala

-Mayroon na raw kasing ibang babae ang kanyang mister sa Australia kung saan ito OFW

-Problema pa ng ginang ang kanyang kondisyon na nakuha niya raw mula sa panganganak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpasaklolo ang ginang na si Eden Grace Garcia sa programang Wanted sa Radyo laban sa kanyang asawang OFW na si Charles Garcia.

Sumasablay na raw kasi ito sa pagpapadala dahil mayroon na raw ibang babae ang asawa sa Australia kung saan ito nagta-trabaho.

Bukod rito, may mga bisyo rin daw si Charles partikular na ang pagsusugal. At nalulubog na umano sa utang ang mister doon.

Dahil na rin sa kanyang kondisyon ay nakakatanggap na rin daw siya ng masasakit na salita mula sa mister.

Matagal na raw kasi siyang nakatali sa wheelchair dahil sa mga komplikasyon sa panganganak.

Itinanggi naman ni Charles ang mga akusasyon ng asawa sa kanya at sinabing kaya siya nagigipit at dahil kinailangan niyang bayaran ang kanyang visa doon.

Iginiit rin nito na hindi niya pinapabayaan ang kanyang pamilya. Itinanggi rin nito na nagbibisyo siya bagamat inamin niyang minsan na siyang nakagamit ng droga dahil sa depresyon.

Samantala, nakausap rin ni Raffy Tulfo ang itinuturong kabit umano ni Charles na si Ma. Fatima Imalay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinasinungalingan nito ang mga akusasyon sa kanya ni Eden. Kaibigan lamang raw niya si Charles at madalas na makausap dahil dumaranas raw ng depresyon ang lalaki.

Ayon naman kay Eden, may mga conversation raw ang dalawa na magpapatunay na mayroon talagang relasyon ang mga ito.

Ngunit mariin itong itinanggi ni Fatima. Sinabi nitong mayroon siyang nobyo at handa siyang patunayan iyon.

Dahil dito, pinagkasundo na lamang ni idol Raffy ang dalawa. Maging si Charles ay kinumbinsi rin ni Tulfo na makipagkasundo na lamang sa asawa.

Hiniling na lamang ni Eden na tulungan muna siya ni Charles na makapag-pagamot upang magampanan niya ang responsibilidad sa mga anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel