Nakasagasa ng matandang tumatawid, sinisi ang nadisgrasya at pinagbabayad ng sira ng motor

Nakasagasa ng matandang tumatawid, sinisi ang nadisgrasya at pinagbabayad ng sira ng motor

- Viral ngayon ang video ng aktwal na kuha kung paano nabundol ang isang may edad nang babae

- Sinisi pa umano ng rider ang matanda dahil wala raw ito sa tamang tawiran

- Pinagbabayad pa umano nito ang nabundol niya sapagkat may sira raw ang kanyang motor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng iba't- ibang reaksyon ang viral video ng isang may edad nang babae na nabundol ng naka-motor.

Ayon sa post ng netizen na si LJ Bernardo, unang binahagi ng rider ang video na kuha ng aktwal na aksidente na naganap nang biglaang tumawid ang matanda.

Natumba ito at bahagyang nagalusan. Gayundin ang rider dahil tumama ang babae sa kanang bahagi ng motor.

Agad namang nakabangon ang matanda na nagmamadali pa ring maglakad dahil mahuhuli na raw ito sa trabaho.

Ngunit, imbis na kumustahin ang kalagayan ng nabundol, nagawang habulin nga rider ang babae upang pagbayarin ito sa posibleng sira ng motor.

Katwiran ng lalaki, wala sa tamang tawiran ang babae at bigla na lamang itong sumulpot kaya nabundol ito ng rider.

Paliwanag naman ng babae, siya man ay nasaktan din ngunit di na nagawang magreklamo sapagkat mahuhuli na ito sa trabaho.

Mapilit ang rider na hinihingi pa ang ID ng matanda. Nang makarating sa gusali ng pinagtatrabahuha ng matanda, nakiusap ang rider sa mga gwardiya na huwag muna itong paakyatin dahil sa "disgrasya" umano na nagawa nito sa motor.

Sa caption pa ng post, nabura na umano ng rider na nakilalang si Jerome Natividad ang orihinal na post sa di malamang kadahilanan.

Dahil dito, umani ng samu't saring reaksyon ang mga netizens. Ang ilan ay nagsasabing may mali rin ang matanda habang ang karamihan naman ay nagsasabing di tama ang ginawa ng rider.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sabi ko nga po.. Oo mali si nanay pero sa batas trapiko, mas mali si rider."
"Brother!!! Mali ka.. HIGHWAY yan.. Kaya nga may pedestrian lane.. Yan ang isang panlaban ng mga motorista.. Ang PEDESTRIAN LANE!"
"Ang point ng uploader dito is.we should priorities humanity parin .matanda yung babae po .motor materyal na bagay lng yan we must concern nmn po kay nanay..what if nanay natin yun anu po yung mararamdaman nyu po? Ok nmn po maningil para sa motor pero we should check first the condition ni ate"
"Di rin naman legal sumingit ang motor. May proper lane. Sadyang naging common nalang ang pagsingit sa mga kotse. Pareho sila mali pero in that case its reckless driving resulting to minor physical injury. Nakita nyo ba kung gaano kaaligaga ung matanda? Ung trauma nya at kitang kita na shocked sya. Nanginginig at mukhang hilong hilo. Tapos lalapitan mo para sabihan na ung motor mo puro gasgas? Fyi mas mabigat ang kaso ng rider compare sa jay walking. At kung kukuha kayo lisensya, always defensive driving diba? At responsibility natin na maging alerto sa daan. Mapakotse man o motor."
"Pareho sila may mali. Pero ang pinaka mali dito ay nakakalimutan na natin kung pano makipag kapwa tao.. Tsk tsk
" Alam nyo ba ang batas tropico kahit nasa tamang lugar ka kung ikaw ay nkabanga lalo na at tao ang nabanga mo ikaw parin ang may kasalan at ang bilis ng patakbo ng rider. Ang dapat managut yung rider at walang kasalanan yung nabanga mga kamote."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie Barretto is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie Barretto is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel