Teacher sa Tondo, inakusahang hinalay ang kanyang estudyante nang ilang beses

Teacher sa Tondo, inakusahang hinalay ang kanyang estudyante nang ilang beses

- Isang estudyante ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action dahil umano sa panghahalay ng kanyang titser

- Dalawang beses daw siya ginalaw ng kanyang guro at ngayo'y gusto pa nitong ulitin

- Ilang estudyante ang naging saksi sa umano'y kahayupang ginawa ng nasabing guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasama ng kanyang ama, isang estudyante ang dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action upang ireport ang panghahalay ng kanyang titser sa kanya.

Umiiyak na kinukuwento ng bata kung ilang beses daw siyang ginalaw ng kanyang maestro sa Tondo National High School.

Naiiyak na rin ang ama habang kinakausap si Tulfo dahil sinira ng nasabing guro ang kinabukasan ng anak.

Nalaman ng KAMI na kinausap din ni Tulfo ang principal, pati na ang suspetsado na agad dineny ang akusasyon.

Pero may kasama ang biktima ng ilan pang mga estudyante na sinabing nakita nila kung anong kababuyan ang ginawa ng guro sa biktima.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pati sila ay mangiyak-ngiyak na kinukuwento ang mga kaganapan.

Maririnig sa boses ang hinagpis ng biktima, pati na ng kanyang ama. Sabi ng biktima, ngayon, nadadamay na raw ang mga kaklase niya dahil sa panggigipit ng guro sa kanila.

Binubully daw ng guro ang mga kaklase ng biktima para mag-text o kumontak sa kanya ang biktima. In short, ginagawa niyang pang-blackmail sa biktima ang mga panggigipit niya sa buong klase.

Sana mabigyan ng hustisya ang batang naging biktima umano ng panghahalay ng gurong ito. Sabi ni Tulfo, talagang may kalalagyan ang guro.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Here's another interesting video for you. What would you do if a 10-year-old would ask you to light his cigarette? Will you give in? Find out in the video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel