Underwear ng babae, ginamit ng isang akyat-bahay na pangtakip sa mukha

Underwear ng babae, ginamit ng isang akyat-bahay na pangtakip sa mukha

-Para maitago ang mukha sa CCTV, gumamit ng panty ang isang 'akyat-bahay' para ipangtakip sa mukha nito

-Ang panty, ninakaw pa daw nito sa sampayan ng isang bahay na ninakawan nito

-Nababahala naman ang mga residente sa lugar dahil hindi ito ang unang beses na may nangyaring nakawan doon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakunan sa CCTV ang isang lalaki na nagnakaw sa dalawang bahay sa Barangay Bahay Toro sa Quezon City noong Sabado.

Ang lalaki, gumamit pa ng panty pangtakip sa kanyang mukha para maitago ang mukha sa CCTV.

Ninakaw din pala nito ang panty sa sampayan ng isa sa bahay na kayang ninakawan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Ginamit niya pantakas 'yong sa bahay namin... Kinuha niya 'yong isang sampay namin na underwear, tinakpan niya mukha niya," sabi ng isa sa biktima sa panayam sa ABS-CBN News.

Nitong Martes dumulog sa barangay at Quezon City Police District (QCPD) Station 3 ang magkakapitbahay ng nabiktima ng suspek.

Nababahala naman ang mga biktima na pinasok ng suspek lalo at dalawang townhouse pa ang sinubukan din umanong looban ng lalaki.

"Ang concern ko is security ng bahay namin," sabi naman ng isa pang biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon para mahuli ang salarin.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel