Asawa ni Sheerlyn Gerasta, nakahanap na raw ng bagong ‘love life’ at isa rin itong OFW

Asawa ni Sheerlyn Gerasta, nakahanap na raw ng bagong ‘love life’ at isa rin itong OFW

- Muling nabulabog ang mga netizens na tumutok sa mapait na ending sa pagitan nina Sheerlyn Gerasta at Charlie Lozada

- Trending kasi ngayon ang mga larawan na kumakalat online kung saan may ka-video chat si Charlie na babae

- Ayon sa mga netizens, mukhang nakahanap na raw ng bagong pag-ibig si Charlie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos tutukan ng buong sambayanan ang kuwento ng OFW sa Riyadh na si Sheerlyn Gerasta at asawa niyang tricycle driver na si Charlie Lozada, ay may panibagong update na gumulat sa mga netizens.

Matatandaang unang nasaksihan ang kuwento nila sa tanggapan ng ‘Raffy Tulfo in Action,’ matapos ireklamo ni Charlie si Sheerlyn na may kabit daw na engineer at tila pinabayaan na sila ng kanyang limang anak.

Bumuhos ang suporta ng mga tao kay Charlie at marami ang nagalit sa mga ginawa ni Sheerlyn.

Nalaman ng KAMI na may kumakalat ngayon na mga larawan kung saan may ka-video chat si Charlie na ibang babae.

May isa pang larawan na hindi lang si Charlie ang ka-chat noong babae kundi pati ang anak na babae nina Charlie at Sheerlyn.

Ayon sa report ng OFW Tambayan, ang babaeng ka-chat ni Charlie ay may pangalan sa Facebook na Gretchen Gatbonbon Malonzo. Nagpopost si Gretchen ng mga screenshots ng kanilang video chat ni Charlie sa kanyang Facebook account pero sinasabi nito na magkaibigan lang daw sila.

Si Gretchen daw ay isa ring OFW sa Saudi kagaya ni Sheerlyn.

Base sa mga komento, duda ang mga tao na magkaibigan lang ang dalawa at para sa kanila ay may namumuong relasyon sa pagitan nila.

Asawa ni Sheerlyn Gerasta, nakahanap na raw ng bagong ‘love life’ at isa rin itong OFW

Asawa ni Sheerlyn Gerasta, nakahanap na raw ng bagong ‘love life’ at isa rin itong OFW
Source: Facebook

Narito ang mga reaksyon ng mga netizens matapos nilang malaman ang update na ito sa buhay ni Charlie.

"Hi madame. Sana s pamamagitan ng iyong pagkakalog mapapasaya mo c sir Charlie ng d nman sya ma stress."
"my opinion mas bagay kau ni charlie kong talagang kau ang magkapalaran.single ka naman diba?"
"Paktay KA jan SHEERLYN haahhahaha"
"Ok Charlie..mas maganda pa sya sa asawa mo pauwien muna sya kaso bka agawin sya sau ni engineer kuno"
"Hahahaha...ang daming mapang husga, just leave them alone, hindi naman sila nakiki alam sa buhay niyo..if she's happy with Charlie, so be it, at kung kaibigan lang sila, pabayaan niyo na..para yatang sinusubaybayan niyo ang buhay ni Charlie, naayos na ang buhay niya, so tigil na..at ikaw naman Mam, kung saan ka masaya, pabayaan niyo na ang mga mapanghusga.."
Asawa ni Sheerlyn Gerasta, nakahanap na raw ng bagong ‘love life’ at isa rin itong OFW

Asawa ni Sheerlyn Gerasta, nakahanap na raw ng bagong ‘love life’ at isa rin itong OFW
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, nag-react ang maraming netizens sa viral at 'daring photos' ni Sheerlyn Gerasta.

POPULAR: Read more entertainment news here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video is a social experiment that features whether or not people help others base on their look and outer appearance! This video is truly interesting and can serve as an eye opener for us! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto has a message for Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel