Pinay bank teller sa Hong Kong, namahiya at sinabihan ng "bobo" ang kapwa niya Pinay
- Isang Pinay bank teller sa Hong Kong ang nagbitiw ng mapanghamak na salita sa kapwa niya Pinay
- Nakunan ng video ang pagtatalo ng dalawa dahil sa mali ang napagpadalhan ng teller kaya umalma ang Pinay
- Nauwi sa manit na palitan ng salita ang dalawa na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena ngayon sa social media ang video ng palitan ng mainit na pananalita ng bank teller na Pinay sa Hong Kong at isa pang Pinay OFW.
Ayon sa OFW Tambayan, nagmamadaling magpadala ng pera ang Pinay OFW dahil sa nasa ospital ang kamag-anak nitong nasa Maynila.
Ngunit, di sinasadyang naipadala ng teller ang pera sa Cebuana Lhuillier na dapat ay sa Palawan Express padala.
Dito nagsimulang umigting ang argumento ng dalawang Pinay na nauwi pa sa palitan ng di magagandang salita.
Depensa ng teller, ang remitter ang naunang nanigaw sa kanya kaya naman naibato niya ang linyang "Hindi ka nakakaintindi, Huwag ka nang kumibo kasi bobo ka talaga."
Dahil dito lalong nag-init ang ulo ng nagre-remit at lalong di siya tumigil sa pagdakdak ng mga salita sa teller.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sa inis, nasambit pa ng teller na maari raw niyang ipa-deport ang nagpapadalang OFW.
Umani ng samu't saring reaksyon mula sa netzens ang naturang video at karamihan sa kanila ay nagsasabing mas mali ang teller sa pagbibitaw ng mas masasakit na salita sa kapwa pa naman niya Pinay.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Haha... Marami tlgang mga kababayan natin ang mga salbahe sa kapwa ofw nya... Hindi pa mayaman c teller salbahe na lalo na kapag yumaman yan.. Eh salbahe bunganga"
"di ba may record na sila dyan lalo na pag matagal ka na nagpapadala kaya alam na ng teller kung saan padadala kahit sabihin ako nga tropa ko yung indianong teller bigay ko lang yung amount alam na nya kahit di ko sabihin kung saan padadala titignan na lang nya record ko"
"sorry pero sobra at napaka bobo naman kasi ng REMITTER, pedeng kunin yan kahit sa Cebuana o Palawan, bobo naman yang babae na yan pavideo video pa, siya pa nanigaw, lahat pedeng daanin sa maayos na usapan, tagal ko na nagpapadala ng pera, nakasulat naman yan kung saan saan mo pede makuha,"
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!
Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh