Babaeng kinukutyang "mukhang palaka", sinuwerte at masaya na ngayon sa buhay

Babaeng kinukutyang "mukhang palaka", sinuwerte at masaya na ngayon sa buhay

- Kakaiba ang kondisyon ng babaeng nakilalang si Bernadette Castillo dahil sa sinasabing mukha raw itong "palaka"

- Pinaniwalaan ng kanilang pamilya na na-karma umano ang pamilya ni Bernadette dahil nakapatay ang ama nito ng palaka habang pinagbubuntis siya ng kanyang ina

- Di naging madali ang buhay ni Bernadette dahil sa pangungutyang nararanasan ngunit nakahanap pa rin ito ng totoong magmamahal sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di nakakawala sa matinding pangungutya si Bernadette Castillo dahil sa kanyang itsura. Ayon sa mga pumupuna sa kanya, inihahalintulad daw siya sa isang palaka dahil sa kanyang mata at balat.

Ayon sa panayam ng Kapuso mo Jessica Soho kay Bernadette, naniniwala noon ang kanyang pamilya na nagkaganoon siya dahil sa "karma."

Kwento ng ina ni Bernadette, nang pinagbubuntis daw niya ito, nakapatay ng palaka ang kanyang mister. Ito tuloy ang naisip nila noong dahilan kumbakit naging ganoon ang itsura ni Bernadette.

Tinangka pa ni Jona, ina ni Bernadette na ipamigay ito noong sanggol pa lamang ngunit nanaig pa rin ang pagiging ina niya kaya naman di na niya itinuloy.

Nang magdalaga si Bernadette, nagkaroon siya ng lihim na karelasyon at nagbunga ng isang sanggol. Nang isilang niya ang kanyang anak na si Xiona, inakala niyang normal ito. Ngunit habang ito ay lumalaki, nagiging kamukha na rin niya ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di rin nakatakas sa panlalait ang batang si Xiona ngunit sinisikap pa rin itong punan ng pagmamahal ng ina.

Muli ring sumugal sa pag-ibig si Bernadette sa pamamagitan ng mga online dating sites. Dito niya nakilala ang German na si Alex. Matapos ang tatlong buwan na walang humpay na pakikipag-chat, sinadya ni Alex si Bernadette sa Pilipinas.

Sa airport pa lamang daw, naglabas na nag singsing si Alex at doon nakamit niya ang matamis na oo ng babae.

Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at bagaman at may pangamba na maaring maging kamukha ni Bernadette ang anak, natutuwa pa rin ang mag-asawa na malusog ang kanilang anak.

Patunay lamang ito na sa kabila ng matinding pagsubok sa buhay, mayroon pa rin tayong dahilan upang mamuhay ng masaya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel