5-anyos na bata, tinangay ng 1 babae na nakuhanan pa ng CCTV

5-anyos na bata, tinangay ng 1 babae na nakuhanan pa ng CCTV

-Nagmamakaawa ang ina ng 5-anyos na batang babae na posibleng kinidnap ng isang babae

-Ang insidente nakuhanan pa ng CCTV

-Ayon sa ina ng bata, nagtataka siya kung paanong napasama ng suspek ang kanyang anak samantalang 'di naman daw ito sumasama sa ibang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naghihinagpis ang ginang na si Herminia Tendaoco dahil sa pagkawala ng kanyang 5-anyos na anak na babae na may pangalang Ayesa o 'Betchay'.

Ang bata, posibleng kinidnap. Sa kuha ng CCTV, kitang-kita kung paanong nilapitan ng isang 'di kilalang babae ang kanyang anak.

Noong una'y tila kinukuha pa ang loob ng bata hanggang sa tuluyan nang inilayo sa lugar malapit sa kanilang tinutuluyan sa Quezon City.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bakasyon ang ipinunta ng mag-anak ni Herminia sa Quezon City na mula pa sa probinsya ng Quezon. Umaga ng Hanuary 1 nang madiskubre nilang nawawala na si Betchay.

Nagtataka naman daw ang ginang kung paanong naisama ng suspek ang kanyang anak dahil hindi naman daw ito sumasama sa ibang tao.

Nagmamakaawa naman ito sa babae na ibalik na sa kanya ang anak.

Sa ulat naman ng ABS-CBN News, nananawagan ang pamilya sa kung sino man ang makakita sa bata at sa mga nakakakilala sa babaeng tumangay sa bata.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen and Claudine divulged they're not invited to their niece Dani's wedding

Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding

Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel