Mr, pinatay ni Mrs! Kabit, nagsaboy ng asido sa mukha para magpanggap na si Mr

Mr, pinatay ni Mrs! Kabit, nagsaboy ng asido sa mukha para magpanggap na si Mr

-Karumal-dumal ang inabot ng isang lalaki sa kamay ng kanyang asawa at sa kabit nito

-Para daw mawala ito sa landas ng dalawa ay pinatay ng mga ito sa pmamagitan ng pagpalo sa ulo nito at tsaka sinunog ang katawan na itinapos sa isang gubat

-Pagkatapos nito ay tsaka sinabuyan ng asido ang mukha ng kabit upang magpanggap bilang si Mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi makatarungan ang sinapit ng isang lalaki mula sa India. Ayon sa ulat, namatay ito dahil pagpalo sa ulo, pagkatapos ay sinunog pa ang katawan.

Nagsimula ang lahat ng magkaroon ng relasyon ang kanyang asawa na si Swathi, 26-anyos na nurse sa India, sa kanyang physiotherapist, na si Rajesh.

Para mawala sa eksena at tulyan nang makapagsama, plinano ng mga ito na patayin ang biktimang kinilalang si Sudhakar.

Base sa imbestigasyon, tinurukan ni Swathi ng anaesthesia ang 32-anyos na biktima. Bago pa magising ito, pinagpapalo na ng bakal ang ulo nito na siyang ikinamatay ng biktima.

Hindi pa natapos doon, sinunog pa ng mga suspek ang katawan ni Sudhakar at tsaka itinapon sa isang gubat.

Pagkatapos nito ay sinabuyan ng asido ang mukha ni Rajesh. Ito ay magpanggap ito bilang si Sudhakar.

Sinabi umano ni Swathi sa kanyang pamilya na inatake si Sudhakar ay sianbuyan nito ng asido.

Habang nagpapagaling ito sa ospital, dito na nagsimulang maghinala ang pamilya ni Sudhakar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa isang soup, nabuking kung sino talaga ito. Ayon sa ulat, tumanggi ito na kainin ang mutton soup at sinabing siya ay vegetarian.

Mr, pinatay ni Mrs! Kabit, nagsaboy ng asido sa mukha para magpanggap na si Mr

Photo source: Getty images /mutton soup
Source: Getty Images

Napag-alaman din ng pamilya ng biktima na sinabi nito sa staff ng ospital na ito nga ay vegetarian, habang ang totoong Sudhakar ay hindi.

Dahil sa hinala, sinimulan nila itong tanungin at kilalanin ang kanilang mga kapamilya na hindi nito nagawa.

Hindi na rin ito nagsalita pagkatapos noon at nakipag-usap na lang sa kanila sa pamamagitan ng sign language.

Upang mapatunayan ang hinala, pinakuhanan nila ito ng finger print at doon na nalaman ang katotohanan.

Sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga pulis, napa-amin din si Swathi at sinabing hindi na daw kasi siya masaya sa realsyon nila ng tunay na asawa.

Napag-alaman ding kapag gumaling umano si Rajesh ay plano ng mga ito ng magpa-plastic surgery para tuluyan ng maging si Sudhakar.

Sinabi rin nito na nakuha niya ang ideya sa isang pelikula.

Haharap ang mga ito sa mga kaukulang kaso.

Source: The Asianparent

Mr, pinatay ni Mrs! Kabit, nagsaboy ng asido sa mukha para magpanggap na si Mr

Photo source: Getty images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kinutuban si misis; Sinundan si mister at nahuli niya ito sa akto

Kinutuban si misis; Sinundan si mister at nahuli niya ito sa akto

Misis, sinundan si mister! Huli sa akto habang kasama ang kabit nito
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel