Korina Sanchez at programa nitong Rated K, nabiktima din umano ni Mader Sitang

Korina Sanchez at programa nitong Rated K, nabiktima din umano ni Mader Sitang

- Nitong Oktubre ay bumisita sa bansang Pilipinas ang "Internet sensation" na si Mader Sitang

- Matapos ang pagbisita ay kumalat ang mga kontrobersiya tungkol sa kaniya

- Dahil dito ay naloko din umano si Korina Sanchez dahil nag guest siya sa Rated K

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasunod ng mga kontrobersiya na kinasasangkutan ng diumano’y Thai Internet sensation na si Mader Sitang, lumutang ang bali-balita na naloko din nito ang beteranang journalist na si Korina Sanchez.

Nalaman ng KAMI na nagsilbing guest ang kontrobersiyal na personalidad sa programang Rated K nang bumisita ito sa bansang Pilipinas nito lamang Oktubre.

Nakapanayam siya ni Korina at pinaniwala daw niya ang nasabing host at ang sambayanang Pilipino na isa siyang Human Rights Lawyer.

Ngunit sa mainit na pagsiwalat ng kaniyang manager na si Wilbert Tolentino, sinabi nitong nagpapanggap lamang ang umano’y sikat na personalidad na isa siyang abogado.

Sa katunayan ay humingi na ng tulong ang nasabing manager sa Bureau of Immigration na agad namang idineklarang “undesirable alien” si Mader Sitang at blacklisted na ito sa bansa dahil sa issue ng pagsisinungaling.

Sinabi ni Wilbert na hinihingian daw siya agad nito ng milyon-milyong halaga para sa mga endorsements sa Pilipinas kaya ibinunyag niya ang nalalaman tungkol kay Mader Sitang.

Ayon pa sa reklamo ni Wilbert ay iniwan siya ni Mader Sitang sa airport ng Thailand nang malaman na wala siyang dalang pera para ipambayad dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod pa sa pagpapaniwala na abogado ang sinasabing Internet sensation ay nalinlang din daw nito si Korina at ang Rated K dahil hindi naman daw talaga ito sikat sa bansang Thailand.

Sa ulat ng PEP.ph kamakailan lang, itinanong daw ng kanilang mga writers sa bansang Thailand kung kilala ng mga tao doon si Mader Sitang.

“I will check Google” lang daw ang naging tugon ng Thai tour guide na lalo pang nagpalakas sa mga alegasyon na sa Pilipinas lamang sikat o pinag-uusapan ang nasabing personalidad.

Ayon sa ilang netizens ay may pananagutan ang mga researchers ng Kapamilya Sunday magazine show dahil hindi nila natuklasan agad ang totoo tungkol kay Mader Sitang.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, naluha ang “Internet sensation” habang namimigay ng pamasko sa Brgy. Mariana sa Quezon City.

Si Mader Sitang ay isang transgender woman na nakilala sa Pilipinas dahil sa kaniyang mga social media videos na nagpapakita ng pagsayaw habang mya kasamang half-naked na mga lalaki.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Let's Play: Pera or Bayong? We are again catching Filipinos and suggesting them to choose: they can either take money or the unknown present (native bag). What would you choose without knowing what's inside the bag? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel