Vet, natuklasan ang pagpapainom di umano ng magulang ng gamot na pang-hayop sa anak

Vet, natuklasan ang pagpapainom di umano ng magulang ng gamot na pang-hayop sa anak

- Viral kamakilan ang post ng isang veterinarian patungkol sa kliyenteng nahuli niya ang ginagawa para lang makatipid

- Sa post, binunyag ng doktor ang ginagawa ng magulang para mapainom ng gamot ang anak na di madala sa doktor na para sa tao

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang post at magsilbing aral daw ito at huwag sana raw itong gawin pa ng ibang magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinalaysay ng veterinarian na si Aprille Memory Cacananta Libunao kung paano niya nabisto ang ginagawa ng isang magulang para sa may sakit na anak.

Ayon sa viral post ng doktora, dala ng magulang ang alagang aso sa kanyang clinic. Nirereklamo niyang magsusuka ito kaya naman tinanong niya kung ano ang nangyari sa aso na maaring maging rason ng kanyang pagsusuka.

Mukha naman daw nasa maayos na kondisyon ang aso kaya nagpareseta na lamang ito ng para sa pagsusuka. Biglang nagtanong ang kliyente kung pwede raw ito sa tao at sumagot naman ang doktora ng oo.

Maya maya pa ay sinabi ng kliyente na maging ang kanyang anak ay nagsusuka rin. Doon nalaman ng doktora na para pala talaga sa anak ang gamot at hindi sa aso kaya agad niya itong binawi at sinabihan niya na dalhing ang bata pediatrician na siyang doktor ng mga bata.

Gulat na gulat daw ang doktora dahil di niya lubos maisip na kaya pala itong gawin ng isang magulang sa kanyang anak para lamang daw makatipid.

Kung tutuusin, mas matataggap pa raw ng doktor kung ang gamot ng tao ay pinaiinom sa alagang hayop dahil sa maari naman daw talaga ito, Ngunit huwag naman daw sana nating tipirin ang sarili nating mga anak na imbis sa doktor ng tao ito dalhin, doktor ng mga hayop ito dinala.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Magsilbing babala raw ito sa iba na huwag nang tangkain pang gawin dahil sa maaring maging mitsa ito ng buhay lalo na ng inyong mga anak.

Samantala, maging ang mga netizens ay di maiwasang maglabas ng saloobin lalo na ang mga magulang.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento sa naturang post:

"nakuuuu!!! ano ba yan! bkit kaya may mga ganyan naman dok.. buti na lang po nalaman nyo agad.. haaay"
"Kawawa yung bata, gamot pang hayop ang ibibigay. Kaloka"
"nakaka sad naman... ansarap ibalibag ung nanay wag mag anak kung di kayang tustusan same as aso wag dn mag aso kung di kayang alagaan hahaist ... nastress naman ako Iba 2 ibang iba hahaist"
"huhuhu kawawa naman ung bata sa bata ako naawa eh hahaist grabeng tipid na yan nakakaloka"
"pag may ngyaring masama sa anak baka ikaw pa sisihin dra, kainis naman yan parang engot lang"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
PH now ranks as the 69th happiest country on earth

PH ranks as the 69th happiest country on earth, 3rd in Southeast Asia

PH ranks as the 69th happiest country on earth, 3rd in Southeast Asia
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel