Kapitbahay daw ng "aswang", binahagi ang makapanindig balahibong karanasan

Kapitbahay daw ng "aswang", binahagi ang makapanindig balahibong karanasan

- Kinuwento ng kapitbahay ng "aswang" ang di umano'y kakaibang karanasan nila bilang kalapit bahay nito

- Madalas silang malaranig ng pagaspas ng tila malaking ibon at minsan pa ay tila langingit ng kalmot sa kanilang bubong

- Minsan pa nilang makitang mapula ang mga mata ng nag-iisa nilang kapitbahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa edad na 70 hanggang 80 ang hinihinalang kapitbahay na naninirahang mag-isa sa kanayng bahay. Maliban sa matanda, mga pusa lamang ang kasama nito dahil sa nasa abroad na ang nag-iisang anak niyang lalaki.

Ayon sa salasay ng kapitbahay sa Inquirer, di siya ang unang nakapansin ng kakaibang gawain ng matanda kundi ang kanyang mga kasambahay.

Panggabi kasi madalas ang trabaho niya kaya naman di niya naririnig ang sinasabi ng dalawang kasambahay niya na pagaspas ng tila malaking ibon na dinig na dinig nila pagsapit ng dilim.

Ang natatandaan lamang daw na karanasan ng kapitbahay ay ang pakikipagtitigan ng walang bitiwan ng isa sa mga pusa ng matanda na kulay itim.

Wala rin daw sinuman, sa kanilang pagkakaalam ang nakikipag-ugnayan sa matanda malipat sa hardinero na paminsan-minsang pumupunta sa bahay ng matanda para maglinis.

Ngunit isang gabi na naiba ang schedule ng kapitbahay, siya rin mismo ang nakarinig ng malakas na pagaspas at langingit sa bubong na di naman na niya gaanong binigyan pa ng pansin.

Di lamang siya at kasambahay ang nakapuna ng kakaibang pangyayari sa hinihinalang "aswang" na kapitbahay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Minsan daw nang nagpa-park ng kotse ang kanyang driver, nakakita umano ito ng isang uwak sa may bubog ng bahay ng amo. Sa pagkakaalm naman nila ay walang ganoong klaseng ibon sa kanilang subdivision at imposible talaga na magkaroon.

Naalala tuloy ng kapitbahay nang minsang nagpaalam na aalis na lamang ang matino niyang kasambahay. Ang dahilan? sa takot sa kapitbahay nilang di na raw siya pinatatahimik. Dahil di na raw ito papigil, hinayaan na lamang niyang umalis.

Maniniwala na talaga ang kapitbahay na ito na aswang nga ang nasa katabing bahay nila nang minsang tumahimik na lamang ang bahay nito. Maski kasi ingay ng pusa ay wala na silang marinig at binalak na niyang tumawag ng pulis.

Kinabukasan, sinundo na ng ambulansya ang matandang hinihinalang aswang. Tinawagan na pala ng village association ang anak nito na dali-daling umuwi ng Pilipinas. May malubhang karamdaman pala ang matanda, pneumonia raw o maari ring stroke.

Dito nalaman ng kapitbahay na ang kanila pa lang Parish priest ay bumibisita sa mga matatandang namumuhay na lamang mag-isa sa kanilang komunidad upang magbigay ng support system sa kanila.

Noon lamang namatay ang haka-hakang aswang nga ang matanda dahil sa tagal ng panahon, ikinuha na ito ng kasambahay na makaksama nito.

Bagaman at nakakarinig pa rin sila ng "pagaspas ng malaking ibon" paggabi, inisip na lamang ng kapitbahay na di naman sila ang unang gagambalain nito, kundi ang kasambahay na tila tumatagal naman sa pag-aalaga sa matanda.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel