Nagpaalam? BF na napanaginipan ng nobya na nakikipaghiwalay, pumanaw na pala

Nagpaalam? BF na napanaginipan ng nobya na nakikipaghiwalay, pumanaw na pala

- Napanaginipan ng nobya na nakikipaghiwalay ang BF niya sa kanyang panaginip

- Iyon pala ay pamamaalam at paghahabilin nito sa kanyang pagpanaw

- Naantig ang mga netizens sa viral post na ito at pinatatag ang kalooban ng babae na labis na nabigla sa pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na binahagi ng netizen na si Joy Patapat ang masaklap na sinapit ng kanyang relasyon nang pumanaw nang di inaasahan ang kanyang nobyo.

Ayon sa post ni Joy, labis niyang ikinagulat ang pangyayari at inakala niyang naka-confine lamang ang kanyang nobyo.

Nang tawagan ang nobya ng ina ng kanyang nobyo, dali dali siyang nagtungo sa ospital iyon ay para abutan na malamig na bangkay na ang kanyang kabiyak.

Kwento pa ni Joy, di naman daw niya mapanaginipan ang nobyo, ngunit dumalaw daw ito sa panaginip niya at nakikipaghiwalay.

Tila naghabilin pa ang BF dahil sa mga katagang sinabi nito na kahit wala na siya at kapag down daw si Joy or kailangan parin siya nito, naroon pa rin siya sa tabi ng nobya.

Hindi natakot si Joy, sa halip ay pianhalagahan niya ang mga salitang iyon dahil para sa kanya dalaw ito ng kanyang nobyong mahal na mahal pa rin siya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, naantig ang mga puso ng mga netizens sa post ni Joy at pinalakas ang loob nito sa mga mensahe ng pakikiramay sa kanya.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sobrang bigat sa dibdib habang binabasa ko sis"
"naiiyak ako habang binabasa to, Pakatatag ka ha?"
"Condolence masakit tlga yan"
"Virtual hugs sis!! Kaya mo yan!"
"Virtual hug mah. Be strong"
"Sobra akong nasasaktan para sayo beb. Kaya mo yan!"
"Itutuloy nya pagiging Angel niya pero kasama na si God sa heaven. He’s always with you for sure."
"be strong, may you find comfort in God’s arms. Kapit lang"
"The hand that still able to touch the one he loves even there's no heartbeat anymore."

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel