Bongga! Ang makasaysayang bahay at rest house ni Mayor Erap Estrada

Bongga! Ang makasaysayang bahay at rest house ni Mayor Erap Estrada

- Kinilala bilang ‘richest mayor’ sa Metro Manila noong 2017 si Mayor Erap Estrada

- Makasaysayan ang kanyang naging bahay sa Sta. Mesa, Manila

- Naging tourist spot na rin naman ang kanyang rest house sa Tanay, Rizal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinagurian ngang ‘richest’ mayor sa Metro Manila noong 2017 si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph “Erap” Ejercito Estrada.

Nalaman ng KAMI na umabot na nga ng P274,716,504.32 ang net worth ni Erap base sa kanyang declared Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ang paglaki raw ng SALN ni Erap ay dahil sa bagong bili niyang bahay sa San Juan noong 2017. Noong 2015 naman ay dineclare ni Erap sa kanyang SALN ang kanyang mga bahay sa Sampaloc, Manila; Pagsanjan, Laguna; at Iba, Zambales.

Naging tampok din noon ang ancestral home ni Erap sa San Juan City kung saan siya tumira sa napakatagal na panahon. Ngunit, naisip naman niyang ibenta ito noon matapos lumipat sa Sta. Mesa, Manila para sa kanyang pagpe-prepara sa pagtakbo bilang Mayor ng lungsod noong 2012.

Makasaysayan ang nilipatang bahay ni Erap sa Sta. Mesa. Ayon sa report ng ABS-CBN News, ito raw ay dating campaign headquarters noong tumatakbo bilang presidente si dating Pangulong Ramon Magsaysay.

Dati rin daaw nakatira malapit doon si Erap noong mga panahong artista pa siya. Inalok daw diumano ng mga Legarda ang bahay na ito sa kanya. Para naman kay Erap, ito ay love at first sight.

“Bihira kang makakita ng ganito sa buong Maynila. Noong nakita kong maraming puno, na-in love ako agad,” sabi ni Estrada.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tampok din ang 19-hectare rest house ni Erap sa Tanay, Rizal na tinagurian bilang JE Camp Hotel and Resort. Makikita rito ang Joseph Ejercito Estrada Museum and Archives at tila naging tourist spot na nga rin ito.

Bongga! Ang makasaysayang bahay at rest house ni Mayor Erap Estrada
Photo from When in Manila
Source: Facebook

Bongga! Ang makasaysayang bahay at rest house ni Mayor Erap Estrada
Photo from Frenzel Tingga Frenzfries
Source: Facebook

Bongga! Ang makasaysayang bahay at rest house ni Mayor Erap Estrada
Photo from Internet Philippines
Source: Facebook

Bongga! Ang makasaysayang bahay at rest house ni Mayor Erap Estrada
Photo from Frenzel Tingga Frenzfries
Source: Facebook

Ayon sa report ng When in Manila, mayoorn din daw mga hayup dito tulad na lang ng mga duck, kabayo, ostrich, isda, usa at baboy.

Bongga! Ang makasaysayang bahay at rest house ni Mayor Erap Estrada
Photo from When in Manila
Source: Facebook

Bongga! Ang makasaysayang bahay at rest house ni Mayor Erap Estrada
Photo from When in Manila
Source: Facebook

Makikita rin ang iba’t-ibang statwa ni Erap at alaala sa kanyang pagiging artista noon sa museum na ito.

POPULAR: Read more news about Erap Estrada here!

Ukay-Ukay (Bargain Store) Challenge is already in the Philippines! You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Our host will have only 200 pesos and 15 minutes to make a purchase in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)