Video ng Pinay OFW na lakas loob daw binatikos ang AIM Global, pinagkaguluhan
- Agaw eksena ngayon sa social media ang umaabot sa 20 minuto na video ng isang Pinay OFW na binatikos ang networking
- Naging partikular ang Pinay OFW na nakilalang si Jocelyn Solitana sa kompanyang AIM Global na inaakusahan niyang manloloko
- Umabot na sa mahigit 750k views ang naturang video na binahagi lamang kahapon, Oktubre 8.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Galit na galit at nagngingitngit ang OFW na si Jocelyn Solitana, sa kompanyang AIM Global na inaakusahang niyang mga scammer at manloloko.
Bungad pa lang ng viral video ay gigil na gigil na si Jocelyn at nagawa pa niyang ipakita ang limpak limpak niyang salapi na di raw niya ipagpapalit sa pagsali sa AIM Global.
Sumunod na pinaliwanag ni Jocelyn kung saan napupunta ang 8,000 pesos na pangsali raw sa networking. Sinalaysay niyang panloloko lamang ang ginagawa ng kompanya at di naman daw talaga kumikita ang mga kasali roon.
Nalulungkot din siya na kapwa OFW niya raw ang puntirya ng nasabing kompanya dahil madali daw itong makumbinsing sumali sa pag-asang mabilis silang kikita ng salapi roon.
Di raw alam ng mga kapwa OFW ni Jocelyn na nauuto lamang sila ng kompanyang ito na habang sila ang nagpapakahirap mag-recruit ay ang "founder" lang daw ang kumikita ng malaki.
Isa sa pinaghuhugutan ng galit ni Jocelyn sa kumpanya ay ang pagsasawalang bahala nito sa isa nilang miyembro na humingi ng tulong pinansyal.
Balita raw kasi ni Jocelyn na masipag daw ang miyembrong ito na ginagamit pa mismo ang kabuuan ng kanyang sahod para lamang mapatakbo ng maayos ang kanyang negosyo.
Awang-awa raw si Jocelyn dahil sa di manlang masuklian ang paghihirap ng miyembro ng mismong kompanya nito.
Pinangalanan din niya ang isang Froilan Anthony Francisco na miyembro ng grupo na sinabihan siyang mamamatay na dukha. Sa galit ni Jocelyn, nasabihan niya ito ng scammer na recruiter.
Nabanggit din niya ang isa pang miyembro na si Tanya Morales na nagawa pa raw siyang i-tag sa video nito na nagtatalon pa raw na tila ba ay pinamumukha pa sa kanya na naka-recruit raw ng miyembro sa Middle East. May ebidensya raw si Jocelyn na kinukumbinsi ni Tanya ang kanyang recruit na mag-advance at mangutang sa amo para lamang maipansali sa AIM global.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sa huli, pinaalalahanan lamang ni Jocelyn ang mga kapwa niya OFW na huwag daw basta basta paloko at ipunin na lamang daw ang perang pinaghihirapan at gamitin na lamang daw ito sa mga pamilya nila sa Pilipinas.
Samantala, umani naman ang viral video na ito ng iba't ibang reaksyon sa mga netizens na karamihan ay sumang-ayon kay Jocelyn.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Hindi Lang aim global Ang scammer marami pa Jan mas marami sa fb at mga sites Ang scammer.pero pag masipag ka sa aimn global need mo mag recruit maglako para kabawe mo 8k mo kc pag dika kikilos mas lalo wala kang kita ."
"Not all the networking are scammer hindi lnh nila naiitintidihan ang concept ng MLM... khit sa harvard may course yan."
"Magtrabaho ka habang buhay ate, d ka pwedeng mgnegsyo... haha wish k lng kakayanin ng katawan mo, mga tinatawag mng patay gutom nagsisikap yan... Gud luck sayo"
"Marami n akong kakilala ilang taon na sa aim global hanggang ngayun nangungutang parin.. dpa yumaman."
"OMG kaya kahit anung networking ayaw ko talaga e banko ko nlng sahud ko"
"Sa totoo wala ka mapala sa mga networking business, buti pa mag business sasarili hindi kapa magsisi"
"Dami kc uto uto...Dami kong kakilala jn sa Aum global n yn..ilang taon n sya jn... till now!!! kuskus kubeta prin..."
"Hay naku sana mamulat n lht ng mga naloko ng aim global n yan sayang lng ang pera nyo pwmudmod nlng natin sa mga anak natin natuwa pa sila atleast nalustay man ehh sa pamilya nmn kesa nmn mg member ka sa kanila pera mo n mghihirap kp mgrecruit pr mabalik sau ung pinuhunan mo... Pahirap sa sarili... Mgnegosyo nlng tau sa pinas kahit maliit n negosyo cgrd pa ang kita"
Samantala, umabot na sa halos 1 million views ang naturang video na binahagi lamang kahapon, Oktubre 8
You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.
Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMIKAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh